Mga kontribusyon ni Eddie sa Philippine entertainment industry, hindi basta-basta malilimutan

NI: Ruel Mendoza

PUMANAW na ang veteran actor na si Eddie Garcia noong June 20.

Pagkatapos itong maaksidente sa taping ng GMA teleserye na Rosang Agimat noong June 8, nagtamo ito ng masidhing neck injury na naglagay sa kanya sa isang coma.

Sa edad na 90, ay nananatiling aktibo pa sa pag-arte, mapa-pelikula man o telebisyon si Eddie.

Pinanganak sa Sorsogon, Sorsogon si Eduardo Verchez Garcia noong May 2, 1929. Sa municipality of Juban lumaki at nakapag-aral si Eddie. Dahil full-blooded Bicolano si Eddie, tawag sa kanya ng mga taga-showbiz ay “Manoy”.

eddie-garcia-afp-3

Nagsimula ang acting career ni Eddie noong 1948 pagkatapos niyang mag-serve bilang Philippine Scout pagkatapos ng World War II at bilang isang military poiliceman sa Okinawa, Japan.

Higit na 71 years na ang tinakbo ng showbiz career ni Eddie bilang actor at film director. Umabot na sa higit na 600 films, kasama na rito ang 37 films na dinirek niya.

Si Eddie nga lang ang nag-iisang actor na nasa FAMAS Hall of Fame for Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.

Unang acting job ni Eddie ay sa pelikulang Siete Infantes de Lara in 1949. Mas nakilala si Eddie sa kanyang mga kontrabida roles noong nagsisimula pa lang siya. Pero ‘di nagtagal ay naging leading man si Eddie sa ilang drama movies at naging mahusay din siyang komedyante. Ang unang pelikulang dinirek niya ay Karugtong Ng Kahapon in 1961.

eddie-garcia11

Bilang film director, naidirek na niya ang halos lahat ng leading ladies ng Philippine Showbiz tulad nila Charito Solis, Rita Gomez, Gloria Romero, Nida Blanca, Amalia Fuentes, Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, Lorna Tolentino at marami pang iba.   Gayundin ang mga mahuhusay na aktor ng showbiz tulad nila Christopher de Leon, Phillip Salvador, Gabby Concepcion, Tonton Gutierrez, Ricky Davao, Edu Manzano, Albert Martinez at marami pang iba pa.

Masasabi rin na si Eddie ang may pinakamaraming awards na natanggap. Halos lahat ng award-giving bodies sa Pilipinas ay meron siya. Isama pa ang mga napapanalunan niya sa mga international film festivals.

Bilang supporting actor, nanalo ng limang beses sa FAMAS si Eddie para sa mga pelikulang Taga Sa Bato, Condenado, Tanikalang Apoy, Ito Ang Pilipino at Nueva Ecija.

Limang beses din siyang tinanghal na FAMAS bes actor for De Colores, Tubog Sa Ginto, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Bakit May Kahapon Pa? at Bahid.

eddie-garcia-cinemalaya

Napanalunan din niya this year ang FAMAS best actor para sa ML.

Five times din siyang nanalo bilang FAMAS best director for Pinagbuklod Ng Langit, Sinasamba Kita, Magdusa Ka!, Saan Nagtatago Ang Pag-Ibig? at Imortal.

Sa Film Academy of the Philippines at Gawad Urian ay ginawaran siya Lifetime Achievement Awards para sa mga pelikula niyang Magdusa Ka, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig, Deathrow at Abakada Ina.

Two times best actor siya sa Urian for Bahid and ML. Never naman siyang nanalo ng best actor sa FAP.

Sa Metro Manila Film Festival, nagawaran si Eddie bilang best actor para Andres Manambit, Mano Po at Rainbow’s Sunset. Nanalo rin siya ng best director award for Atsay and Imortal.

Ang first international film award naman ni Eddie ay galling sa 55th Asia-Pacific Film Festival para sa pelikulang Bwakaw as Asian Film Award for Best Actor.

Nanalo rin si Eddie ng best actor sa 52nd Worldfest-Houston International Film Festival in Texas, USA for Rainbow’s Sunset.

eddie garcia rainbow's sunset

Sa TV ang naging pinakamatagal niyang ginampanan na role ay bilang si Don Emilio sa FPJ’s Ang Probinsyano na inabot ng tatlong taon sa ABS-CBN 2.

Nagmarka naman ang ilan pang TV roles niya sa Kung Mawawala Ka, Darna, Legacy, Babaeng Hampaslupa, Juan dela Cruz at The Half Sisters.

Hindi naging maingay ang personal na buhay ni Eddie dahil nagawa niyang ihiwalay ito sa showbiz at manatiling pribado. Kung hindi pa siya naaksidente, walang may alam ng pangalan ng kanyang asawa o ng kanyang anak.

Biyudo na pala si Eddie since 1995 dahil pumanaw ang kanyang first wife dahil sa cancer. Ang second niya ay si Lilibeth Romero.

eddie-lilibeth_famas

Para sa mga nakakakilala kay Eddie, simple lang daw ang buhay nito at mas mahilig ito sa sports tulad ng target shooting at golf.

Kaya napanatili nito ang kanyang malusog na pangangatawan ay dahil diet na sinusunod nito na sinasabayan niya ng pag-inom ng maraming vitamin supplements.

Malungkot ang buong industriya dahil sa pagkawala ng isa sa tinuturing na magaling na aktor, direktor at higit sa lahat, isang mabuting kaibigan.

Hindi malilimutan ng marami ang naging kontribusyon ni Eddie sa Philippine entertainment industry.

Paalam, Mr. Eddie Garcia… Paalam, Manoy…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s