Launch ng teaser at poster ng movie nina Kathryn at Alden, naging matumpay; AlDub nation ‘di naiwasang malungkot

NI: Nora V. Calderon

HINDI maiiwasang malungkot ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza,  ang AlDub Nation nang lumabas ang isang eksena ng Hello, Love, Goodbye, ang first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden for Star Cinema na kinunan halos ang kabuuan sa Hong Kong.

Pinost din nila ang same scene naman ng Imagine You & Me, ang first movie team-up nina Alden at Maine na kinunan halos ang kabuuan sa Como, Italy in 2016.  Caption nga nila: “from Italy to Hong Kong.”

IYAM HLG

Nalungkot ang ADN dahil right after the success ng showing ng IYAM nangako ang director nito si Direk Mike Tuviera, na susundan agad ito ng isa pang movie-team up nina Alden at Maine.  In  fact, pinag-training pa niya ang dalawa dahil action-romance daw ang movie at kukunan din ito abroad.

Pero hindi nga iyon nagkaroon ng katuparan at kapag tinatanong nila si direk Mark, tuloy pa rin daw, kaya lamang lumipas na nga ang tatlong taon, wala pang nangyayari.

Hangad ng mga fans ang success ng Hello, Love, Goodbye dahil sabi nga miss na nila si Alden mapanood sa big screen.  Masaya sila sa success ng teaser launch last June 14, na sinundan ng unboxing ng official poster at ang big reveal kung kailan talaga ang playdate nila, na ginanap sa Trinoma.  Opening date nila, sa July 31.

hlg-kathden

Marami nang nagtatanong ng mga fans abroad kung magkakaroon daw ito ng international screening.  For sure, magkakaroon ito tulad din ng ibang pelikulang ginawa ng Star Cinema.

May balita ring hindi ang Hello, Love, Goodbye ang first movie na gagawin ni Alden sa Star Cinema, totoo kayang may possibility rin ng team-up niya kay Sarah Geronimo?     Abang-abang na lamang kayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s