Anita Linda, pinarangalan ng FDCP sa ‘Sandaan: Dunong ng Isang Ina’; binigyan ng achievement award

NI:  Rohn Romulo

BILANG bahagi ng pagdiriwang sa Sandaan: Ika-Isang Daang Taon ng Philippine Cinema at Mother’s Day, pinarangalan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga ambag ng veteran actress na si Ms. Anita Linda sa Philippine cinema sa “Sandaan: Dunong ng Isang Ina” noong Hunyo 16, 2019 na ginanap sa Cinematheque Centre Manila.    Binigyan ang beteranang aktres ng achievement award para sa mga kontribusyon niya bilang isang artista at mentor sa film industry.

Tampok din sa Cinematheque ang “The Life of Anita Linda: An Exhibit” na magtatanghal ng iba’t ibang yugto sa buhay ni Anita Linda bilang artista, kabilang na rito ang tanyag niyang mga pelikula at role, pati na rin ang memorabilia na kaugnay sa kanyang buhay at career.

“Anita Linda is truly a legend in the industry, and she has helped mold Philippine cinema through her contributions over the decades. She has been gifting us with her brilliant acting performances and has been serving as a pillar for generations,” sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

“Not only her many roles over the years, but also her guidance and mentorship behind the camera have empowered women and have given them the voice that promotes strength, grace, and compassion.”

Gumawa ng sariling pangalan si Anita Linda,  o Alice Lake, sa ebolusyon niya mula sa pagiging romantic lead noong kabataan niya hanggang sa pagganap niya sa maternal o elderly roles na umani ng critical acclaim.       Lumabas din siya sa iba’t ibang Filipino films, gaya ng “Presa” at “Adela” ni Adolfo Alix, Jr. “Sisa” at “Ang Sawa sa Lumang Simboryo” ni Gerardo de Leon, “Agilang Itim” ni Teodorico C. Santos, at “Lola” ni Brillante Mendoza.

Sa edad na 94, si Anita Linda ang itinuturing na pinakamatandang active actress sa local film industry. Kamakailan lamang, ang pinagbidahan niyang pelikulang “Circa” ni Adolf Alix, Jr. ay nanalo ng White Light Post-Production Award sa Hong Kong-Asia Film Financing Film Forum (HAF) noong Marso 2019.

Hindi nga napigilan ni Ms. Anita na mapaluha habang ipinapakita ni Chair Liza ang inihandang exhibit ng FDCP, na kung saan nagbabalik sa mga alaala niya ang bawat pelikula at awards, lalo ang kanyang 1952 Maria Clara Best Actress award para sa ‘Sisa’.

Labis-labis nga kanyang pasasalamat sa naturang pagkilala ng FDCP at kahit hirap nang maglakad, hindi pa rin siya titigil sa paggawa ng pelikula hangga’t mayroon pang gustong kumuha ng kanyang sebisyo.

Noong 2017, pinangalanan ng FDCP si Mother Lily Monteverde bilang “Ina ng Pelikulang Pilipino” para sa kanyang commitment at impact sa Philippine movie industry sa loob ng maraming taon. Samantala, si Maria Azucena Vera-Perez Maceda, o mas kilala bilang “Manay Ichu,” ay pinarangalan naman para sa kanyang kontribusyon sa film industry sa event na “A Spotlight on Mothers of Philippine Cinema” na ginanap noong 2018.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s