Nadine, nasa taping kaya ‘di nakadalo para tanggapin ang ikatlong Best Actress trophy; Eddie, Direk Joel at Cherie, wagi rin sa 42nd Gawad Urian

NI: Ricky Calderon

nadine lustre (2)

HINDI nakadalo si 42nd Gawad Urian ang Viva contract na si Nadine Lustre kaya ‘di niya na-savor ang moment nang mahirang siya na Best Actress of 2019 para sa Never Not Love You.

Ito ang unang Gawad Urian trophy ni Nadine who earlier won sa Young Critics’ Circle at FAMAS.

Wagi naman si Eddie Garcia ng Best Actor award para sa ML, ang Cinemalaya kung saan gumanap siyang sundalo. Si Direk Benedict Migue ang tumanggap ng tropeyo ng betenong actor na naka-confine pa rin sa ospital.

eddie-garcia-ml

Hindi nakadalo sa awards night si Nadine dahil nasa taping daw ito ng reality show sa Bulacan at hindi pinayagang umalis. Ang Viva executive na si Ms. Baby Gil ang siyang tumanggap ng tropeyo ni Nadine.

Sa panalo ni Nadine, muli niyang pinatunayan na siya ang pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon.

Kung hindi kami nagkakamali, siya rin ang youngest winner ng Urian Best Actress trophy at 25 years old.

Ecstatic naman ang pakiramdam ni Ms. Cherie Gil, who won Best Supporting Actress for Citizen Jake. Never pa kasi nanalo si Cherie sa Urian bagamat marami na siyang nominasyon.

cherrie-gil-citizen jake

Napaiyak siya nang tawagin ang kanyang pangalan as winner.     “Pangarap ng isang artista na manalo ng Urian Award,” wika ni Cherie sa kanyang speech.

Sa kanyang excitement ay nalimutan niyang pasalamatan ang kanyang mga magulang.

What made Cherie’s award more meaningful ay kaarawan niya kahapon. Nagbibiruan pa nga sila ni Manunuri member Butch Francisco na maraming kapamilya si Cherie na mas nauna pang nagwagi ng Urian award compared to her.

Kaya naman hindi napigilan ni Cherie ang maiyak sa galak.

Best Supporting Actor winner naman si Joel Lamangan para sa School Service. Ito rin ang unang acting award ni Direk Joel sa Urian.  Siya ang Urian Best Director winner noong 1995 para sa The Flor Contemplacion Story.

Best Picture winner naman ang Buy Bust na prinodyus ng Viva Films at dinirek ni Erik Matti.

joel lamangan-ss

Wagi rin ang Buy Bust ng awards for Best Cinematography (Neil Bion), Production Design (Michael Espanol at Roma Regala), at Best Music (Erwin Romulo at Malek Lopez).

Best Director si Denise O’Hara para sa Mamang, na entry sa Cinemalaya last year.  Ang award for Best Screenplay ay ibinigay kay Rody Vera for Signal Rock.

Ang iba pang winners ay sina May-I Guia Padilla (Best Editing – Tabanata’s Wife),  Jonathan Lee, Steff Dereja at Miguel Hernandez (Best Sound – Never Tear Us Apart), Jewel Maranan (Best Documentary – Sa Palad ng Dantaong Kulang) at Shaira Advincula (Best Short Film – Tembong (Connecting).

Ang Natatatanging Gawad Urian ay ipinagkaloob kay Ms. Gloria Sevilla, tinaguriang Queen of Visayan Movies.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s