Bagong music video ni Taylor Swift na dedicated sa LGBT community, may higit na 27 million views na

NI: Ruel Mendoza

Nag-trending nang bongga sa social media ang launch ng bagong music video ni Taylor Swift na “You Need To Calm Down” na mula sa upcoming studio album niya na Lover.

Nag-premiere sa Good Morning America at YouTube ang “You Need To Calm Down” ng 8:15 AM on June 17 at nakakakuha na ito ng higit na 27 million views.

Marami ang natuwa sa music video ni Taylor dahil dedicated ito sa LGBT community at ang pakikipagkaisa ng singer na magkaroon ng equality ang lahat ng genders sa society.

At sa naturang music video ay may cameo ang naging frenemy ni Taylor na si Katy Perry.

Taylor-Swift

Suot ni Katy ang hamburger costume na sinuot niya sa Met Gala noong nakaraang May. Suot naman ni Taylor ay french fries costume. Nagyakapan sila sa ending ng music video na patunay nang pagbabati nila at magkaibigan na sila ulit.

“The video is very worth the wait. There’s a lot going on in the video so I wanted that to be a separate discovery,” sey ni Taylor.

Bukod kay Katy, ang ilan pang guest stars sa music video ay sina Ellen DeGeneres, RuPaul Charles, Ryan Reynolds, Jesse Tyler Fergeson, Justin Mikita, Ciara, Adam Lambert, Karamo Brown, Laverne Cox, Antoni Porowski, Jonathan Van Ness, Tan France, Bobby Berk, Billy Porter, Todrick Hall, Hayley Kiyoko, Adam Rippon, Chester Lockhart, Dexter Mayfield and Hannah Hart.

Advertisements