AiAi at Bayani, sanib-puwersa sina sa isang makatuturan at napapanahong comedy film

NI:  Rohn Romulo

SOBRA kaming natuwa at naaliw sa Feelennial (Feeling Millennial) na sa unang pagkakataon ay nagsanib-puwersa sina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani sa isang makatuturan at napapanahong comedy film.

Sa pelikula gumaganap si AiAi bilang si Madame Bato-bato, na isang rich single mom na nasa kanya ang lahat bukod sa attention ng kanyang only son na Nico (played by Arvic Tan) kaya magpi-feeling millennial siya para mapalapit sa kanyang anak.

Dahil sa kanyang “feelennial” activities, kasama na ang online dating na kung saan makikila niya si Chito (played by Bayani Agbayani), isang bachelor na yumaman matapos na manalo sa lotto.

Ang dating app ay ginawa ng anak at girfriend nitong si Efril (played by Raffy Roque), na pamangkin pala ni Chito.

Nakakatawa ang mga bangayan nina AiAi at Bayani, at swak na swak ang kanilang tandem, bagay na nakita ni Pops Fernandez na producer ng movie (DSL Production kasama ang Cignal Entertainment).

Napakahusay talagang magpa-tawa nina AiAi at Bayani, kaya kuhang-kuha nila ang manonood at hindi talaga bumitiw.  Nag-dagdag saya pa sa pelikula sina Nar Cabico, Ina Feleo, Nicole Donesa, Jelai Andres, Sofia delas Alas, Skelly Skelly at Micah Munoz.

Bukod sa special participation ni Pops, may cameo din sina Martin Nievera at Paolo Ballesteros.

Palabas na ngayon ang Feelennial  in cinemas nationwide at siguradong kaming tatawa kayo mula umpisa hanggang dulo sa nakaka-good vibes na movie na dinirek ni Retchie del Carmen and for sure makaka-relate ang lahat pati ang millennials.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s