HEART, iniinda pa rin ang sakit sa mga kamay dahil sa shooting ng action film

NI: Ruel Mendoza

INIINDA pa rin daw ng StarStruck council na si Heart Evangelista-Escudero ang sakit sa kanyang mga kamay na natamo niya sa pag-shoot niya ng action film sa China.

Pinost ni Heart sa kanyang IG Story noong June 1 ang mga pasa at sugat sa kanyang kamay pagkatapos niyang i-shoot ang isang maaksyon na eksena.

Caption pa ni Heart: “First time to be this violent… ‘di ko bet. Hindi maganda sa pictures.

Dahil hindi pa raw nawawala ang sakit, ipapa-check up daw niya ang kanyang mga kamay. May mga bagay na raw siyang hindi magawa dahil sa sakit ng kanyang mga kamay.

“It’s still painful, I have to get an X-ray actually. Kasi ‘di ko ma-ponytail ‘yung hair ko and ‘di ako maka-open ng bottle.

“So feeling ko may something. I just have to discover what it is kasi natatakot akong magpa-check,” diin ni Heart.

Wala naman daw pagsisisi si Heart sa paggawa ng movie dahil minsan lang daw darating ang gano’ng klaseng pelikula sa career niya.

Magkakaroon pa raw ang naturang movie ng red carpet premiere at iyon ang ikina-e-excite ni Heart.

“Kasi nag-look forward lang ako ‘dun sa red carpet sa Hollywood, ‘di ko masyadong naisip ‘yung movie. Akala ko mawawala talaga ‘yung pain pero hindi siya nawala. ‘Di kasi siya nakakaganda at ‘di ko bet!

“Pero at least tapos na ‘yung first movie and then I’ll go back to China soon for the second one – which I believe will be more stressful,” pagtatapos pa ni Heart.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s