ANGEL, tinupad ang pangako at tumulong sa mga scholars pero binash pa rin

NI:  Rohn Romulo

TINUPAD ni Angel Locsin ang kanyang pangako na kapag umabot na five million ang kanyang followers sa Instagram ay magbibigay siya ng tulong.

Pinost nga ng bida ng The General’s Daugther sa kanyang IG account na @therealangellocsin ang kanyang pasasalamat.

“Thank you to all my 5.5M Instagram and 11M Twitter followers for being there since the beginning, through all the challenges and milestones.

“As promised when we reached 5M on IG, I would like to share with you this simple celebration of helping 31 scholars through schooling. I believe that education is one of the best gifts we can share to others and that empowered individuals can help shape a bright future.”

Kasama nito ang photos ng ilang sa mga scholars na kanyang tinulungan ngayong pasukan.

Marami ang humanga sa aktres sa ginawa nyang pagtulong, pero sa kabila ng magandang hangarin ni Angel, may mga nag-nega pa rin at nam-bash sa ginawa niyang paglalabas ng photos na kanyang mga natulungan.

Comments ng netizens:

“Siya Lang ata yung Lahat nalang ng charity nka media. Sige na ikaw na ang philanthropist just stop your nagging on political and social issues. Stay in your lane.

“Ke pinagyayabamg or hindi, bottomline is madaming natulungan! Kung kapalit ng kayabangan ay pagtulong, by all means let them be mayayabang.  Eh kayo? Anong naitulong nyo?

“Grabe mga tao sa mundo. Pinagyayabang pa pala tingin nyo diyan no? Hay sana mahaplusan ang puso at kalooban niyo ng kabutihang loob.

“Consistent talaga siya sa mga charity works niya at sa generosity niya even before pa talaga.

“Wala pa yan sa mga nagawa niya noon pa na ayaw niyang-ipalabas pero usap usapan rin dahil may mga nag testify na natulungan niya.

“isa siya sa tumulong sa Marawi. Walang sinabi pero ang mga Tao roon ang nagpost nang pictures niya.

“Bottomline eh consistent pa rin siyang tumutulong. Kesyo alam mo man or hindi.

“Grabe tong babaeng to. Kaya andami niya blessings sa buhay kasi shine-share niya at alam mong genuine talaga yung concern niya sa mga tao.

“alam mo mas gusto ko ganyan brinabrag kesa sa lavish lifestyle and pagkasuperficial ng mga celebs. at ikaw, ano nagawa mo sa mundo??

“Hindi yan brag, tumutulong at nagbibigay nga ng way para makapag aral e. Ang brag e yung nagpapapkita ng mga signature-luxury items sa mga pics online 🙂

angel locsin (2)

“Dapat lang. It is something to brag about, nakakainspire. Better than celebs always showing off their bodies, branded items or hundreds of selfies on socmed.

“I don’t get it. When she posted about the island she purchased before people commented “Ay sayang naman sana nag donate ka sa mahirap” but when she did it you guys are bashing her? So celebrities can’t post anything now huh? What should they post on their Social accounts? “Selfies” ganyan ba?

“Ang daming nega dito. Hahahaha. Inaamin ko, dati may pagka-nega rin ako kasi malungkot ang buhay ko or dahil hindi ako grateful sa buhay. Naiintindihan ko kayo bashers, hindi lang bashers ni Angel pati nung iba pa. Try to see the beauty wag lagi yung nega ha. Be happy and grateful.”

Marami pang natanggap na negative comments sa ginawang pagtulong ni Angel, pero agad namang sinagot ng mga defenders niya at naniniwalang walang masama sa kanyang ginawang pagpo-post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s