JASON, sinagot at ipinagtanggol si VICKIE sa mga comments ng bashers

NI:  Ruel Mendoza

INABANGAN ng marami ang reaksyon ng Kapuso actor na si Jason Abalos tungkol sa pagkatalo ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas pageant.

Kahit na si Vickie ang most awarded na candidate, nakuha nito ang special awards na Jag Denim Queen, Miss Ever Bilena, Manila Bulletin Reader’s Choice, Poten Cee Gandang Palaban, Miss World Balance, at Bb. Cream Silk, pero wala itong nakuha sa anim na titles ng naturang pageant.

Malaking dahilan daw kasi ang hindi maayos na sagot ni Vickie sa Q&A portion. Naging dahilan nito ay na-distract daw siya sa ilang mga tao habang sinasagot niya ang tanong.

Ang mga tao raw na ito ay ang fans ng ibang candidates na nag-ingay noong si Vickie na ang nakasalang sa Q&A.

Sa kanyang Twitter account nag-post si Jason ng pagdepensa niya kay Vickie. Alam kasi ni Jason na sobrang nag-prepare si Vickie sa gabing iyon at hindi raw fair para rito ang ilang comments ng netizens.

Heto ang post ni Jason: “Ganito, lahat kasi napapansin ni Vickie, kahit yung kumakain na parang baboy sa mesa ung maingay ngumuya, ung pagtama ng kutsara sa plato, lahat ng turo sa kanila sa school pati yong kapag nagsasalita ka dapat patapusin ka muna bago sumabat, pwera na lang kung babastusin ka talaga at Hindi papatapusin.

“Sobrang prepared sya sa lahat pinag handaan nya talaga to, hindi lang sya handa sa fans ng ibang candidates na nag ingay nong sya na ang sumasagot sa QnA, hindi ko sila masisisi kung ako man siguro iba ang bet ko tapos hakot awards ung isa, makakaramdam din Ako ng takot.

“Pero tapos na guys, ok na yan, happy ang lahat ng candidates sa naging experience nila, marami sila natutunan, matuto na din tayo rumespeto ng ibang tao.

“Kung mas magaling kayo wag na kayo magyabang. Ok na yan.

“Ok? Ok. God bless you all.”

jason-abalos1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s