CATRIONA, nakapag-donate nang higit dalawang milyon sa chosen charities; kasama ang Frontrow Cares at Miss Universe Philippines

NI:  Rohn Romulo

NAKAPAG-DONATE si Miss Universe 2018 Catriona Gray nang higit sa dalawang milyon piso sa chosen charities na malapit sa kanyang puso.

Nakasama ni Catriona ang President at CEO ng Frontrow Enterprise na sina RS Francisco at Sam Verzosa na nagtayo rin ng Frontrow Cares na kung saan nagbigay sila ng tig-isang milyon sa ‘Love Yourself’ at ‘Young Focus’ na personal choice din ng reigning Miss Universe.

Nakatanggap naman ng $15,000 ang ‘Hope For Change’ mula sa Miss Universe Philippines at SMART.

Sa pagkukuwento ni RS, nagsimula ang kanilang foundation na Frontrow Cares noong 2013, three years pa lang mula nang itatag nila ni Sam ang Filipino owned multi-level company na Frontrow.

Kahit nag-struggle sila sa pagpapalago ng negosyo mula 2010 hanggang 2013, nagkaroon sila ng extra money na one million pesos, na gusto sana nilang gastusin sa isang bonggang Christmas party o kaya’y ipang-renevate sa kanilang office.

rs, catriona & sam

Pero nangkaroon ng malakas na bagyo, ang Yolanda, kaya nag-decide na lang sila na i-donate ang extra money sa mga nasalanta ng bagyo.  At doon na nga nagsimula ang kanilang pagtulong at nagtuloy-tuloy na hanggang ngayon.

Malaki ang pasasalamat ni Catriona na endorser din ng Frontrow Enterprise sa donation na binigay ng company sa dalawa niyang chosen charities na tinutulungan niya sa loob ng tatlong na.

Ayon kay Catriona, “This kind of work that really gives meaning to what being a Miss Universe is for me.

“And I just want to thank each and everyone of you for being here and sharing that message, that yes, what we are blessed is our responsibility to pass on in our way, in our circles, in our own communities.  

“So, marami salamat po.  We are all have the oppurtunity to change someones life for the better.  No act is too big or too small.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s