JELAI, mukhang lumalambot na kay JON at posible pang magkaayos

NI: Rose Garcia

CONTROVERSIAL din ang isa sa cast ng Cignal at DSL’s Feelennial (Feeling Milennial) na si Jelai Andres na unang nakilala bilang social media influencer. Ang daming sumusubaybay sa naging love story nila ng mister na si Jon Gutierrez ng Ex-Battalion.

Nakausap namin si Jelai noong kahihiwalay lang nila Jon. Ang nag-trigger sa hiwalayan nila ay ang live video ng isang babae.

Sinagot ni Jelai ng another live video ang babae. Noong nakausap namin si Jelai, talagang kitang-kita namin sa mukha niya ang sobrang pagka-depress. In fact, ilang beses din siyang pabalik-balik sa hospital noon dahil magkahalong depression at anxiety na nararamdaman.

jelai-andres-jon gutierrez

At that time, talagang desidido na si Jelai na hiwalayan si Jon. Gusto na rin nitong ipa-annull ang marriage nila.

Sa presscon ng Feelennial, parang nahihimigan namin siyang lumalambot na kay Jon.

Sabi niya kasi, “inaayos po namin.”

Kaya tinanong namin siya kung nagbago na ba ang statement at desisyon niya. Sabi naman nito, hiwalay pa rin daw sila.

Si Jon lang daw, sobrang pursigido pa rin sa kanya. Kapag alam daw nito kung nasaan ang taping niya, pupunta raw ito at may dalang bulaklak.

Jelai Andres 2

Sabi naman ni Jelai, hindi raw madali na tanggapin itong muli. At ngayon daw ay maayos siya. Naka-move-on na rin daw siya, mas okay raw siya ngayon.

“Sa ngayon po, naka-focus ako sa trabaho ko. Sobrang dami pong blessing na ipinagpapasalamat ko po.

“Doon pa rin naman po ako, hiwalay na kasi, nag-consult na rin po ako ng lawyer.”

Hati raw ang mga kaibigan niya ng opinyon. Merong gusto pa rin silang magkaayos pero marami rin daw ang galit.

Maganda raw ang nangyayari sa career niya ngayon. Na-realize din daw niya na kaya pa rin pala niyang bumalik sa dati.

Sa June 19 naman na showing ang Feelennial.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s