Bagong season ng ‘StarStruck’, mas exciting ayon kay DINGDONG; may elimination round na agad

NI: Rose Garcia

SINCE StarStruck 1, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na ang tumayong host mg original artista reality based search.

Sa StarStruck 1, si Jennylyn Mercado ang naging female ultimate survivor at ngayon nga, after 15 years and 6 seasons of StarStruck heto’t co-host na ni Dingdong si Jennylyn sa StarStruck 7.

Kung tutuusin din, si Dingdong din ang isa sa makakapagsabi kung paano si Jennylyn sa loob ng 15 taon.

starstruck 7

Sabi ni Dong about Jen, “Since siya ang ultimate survivor, ang daming naibigay sa kanya. Nandiyan ang pagkanta, pag-arte. Siguro yung commitment niya noong manalo siya, kitang-kita ko kasi ang pagiging consistent niya sa pagganap niya.

“At magandang ehemplo ngayon yung kanyang current teleserye, ang Love You Two ang kagalingan niya sa romcom.”

Bukod kay Dingdong at Jennylyn ay haharapin ng 11 boys at 11 girls na mga StarStruck hopefuls ang tatlong mga councils na sina Cherie Gil, Jose Manalo at Heart Evangelista. Magsisilbing anchor host naman si Kyline Alcantara.

Ayon pa kay Dingdong, exciting daw ang bagong season na ito ng StarStruck na magsisimula na sa Saturday, June 15, after ng Daddy’s Gurl at sa Sunday, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko dahil may tsugian o elimination round na agad na magaganap.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s