Erika Mae Salas, sunud-sunod ang mga projects

NI: Throy Catan

NAG-PERFORM si Erika Mae Salas sa kanyang pang-apat na recital sa Grand Music Palace Philippines. Ang Grand Music Palace Philippines ay isang kilalang entertainment company na nagbibigay ng murang music course sa voice, piano, guitar, violin, and keyboard owned by Roger de Leon and Prof. Ryan Manal.

Bago muna siya mag-perform, nakausap namin siya kung paano nag-improve ang kanyang talento nang sinimulan niya mag-enrol sa nasabing entertainment company. Anya: “Sa nakikita po nila, nagi-improve po ako every years, and sa tulong po iyan ni sir Ryan.”

Anu-ano kaya ang dapat abangan kay Erika Mae Salas?

“Kasama po ako sa Nick Vera Perez mall show album tour…” Sabi ni Erika. Si Erika ay isa sa mga talent under NVP1 World na pag-aari ng singer na si Nick Vera Perez. Since last month pa nagsimula ang very successful na nationwide mall tour ni Nick.

Inamin na wala pang nire-release na solo album si Erika pero magkakaroon siya soon. Sa ngayon ay mapapakinggan na ang kanyang kantang “Ako Nga Ba?” sa Spotify na isa sa mga theme song ng pelikulang “Spoken Words“. Kasama rin si Erika sa nasabing pelikula. Available na rin ang kanyang single na “Friendzone” sa Spotify at iba pang digital music platform.

Para sa malaman ang latest shows ni Erika, bisitahin ang kanyang Facebook page. Panoorin ang buong interview sa video na ito:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s