Vickie Rushton, nabigong makakuha ng korona sa ‘2019 Binibining Pilipinas’

NI:  Ruel Mendoza

MARAMI ang nagulat na walang napanalunan title si Vickie Marie Rushton na ni-represent ang Negros Occidental sa 2019 Binibing Pilipinas.

Sa simula pa lang ng pageant ay malakas na ang pangalan ni Vickie na makakakuha ito ng isang title. Maraming fans si Vickie dahil na rin sa boyfriend nito, ang Kapuso actor na si Jason Abalos.

vickie rushton

Bago ang coronation night, heto ang pinost ni Vickie sa kanyang Instagram account:

“Until now you have not asked for anything in my name. Ask and you will receive, and your joy will be complete.” – John 16:24

“This is iiiiiiiiiit!!! This fight for the crown is no longer just about me but for my Lil Brave Hearts angels, @heartsofjoyinternational, @jaden_and_friends_org and the whole Down Syndrome community. I will fight with you and for you. 💙💛 I can’t wait to see you all tonight at the Smart Araneta Coliseum! 🇵🇭 #BeyondBeauty #BbPilipinas2019″

Si Jason naman, na ever supportive kay Vickie, ay heto naman ang pinost sa kanyang IG:

“Nakatingin ka sa bituin. Hindi sya, ikaw. 🙂 Tingnan mo syang mabuti! Makikita mo sa mga mata nya ang sinasabi ng puso nya. Lumalaban sya hindi para sa sarile nya, don sya naiba sa iba.”

jason vickie

Si Vickie ang nakakuha ng pinakamaraming special awards sa gabing iyon. Kabilang dito ang Bb. Poten Cee Gandang Palaban 2019, Miss World Balance, Miss Creamsilk, Manila Bulletin Reader’s Choice Award, Miss Ever Bilena, at Jag Denim Queen.

Dahil dito ay matunog nang makakauwi si Vickie ng isa sa anim na titles.

Last year, nag-place first runner-up si Vickie at confident itong sumali ulit at baka nga naman suwertehin na siya.

Pero mukhang wala pa sa kapalaran ni Vickie ang manalo sa Bb. Pilipinas dahil wala siyang napanalunan na title.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s