Pops, enjoy na talaga sa pagiging producer kesa maging artista; muling makakasama si Martin sa concert

NI: Rose Garcia

ENJOY raw talaga ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa pagiging producer.

Ang katwiran niya, ang dami raw kasi niyang nagagawa bilang isang creative rin na nakikita niyang nagma-materialize through other artists, hindi man siya.

Pinasok na rin ni Pops ang pagiging isang film producer. Co-producer ang DSL niya ng Cignal. First time niyang mag-produce ng pelikula at ito ay ang comedy film na Feelennial (Feeling Milennial) na ipalalabas na sa June 9 with AiAi delas Alas at Bayani Agbayani as lead stars. First film directorial job din ni Rechie del Carmen.

Hindi pa rin naman daw tuluyang tinatalikuran ni Pops ang singing dahil may serious of concert tour nga raw sila ng ex-husband na si Martin Nievera sa U.S., ang Twogether.

Bayani & AiAi

Nang tanungin naman ito kung bakit hindi na lang silang ex-couple sana ang nagbida sa first venture ng DSL .

“Panoorin niyo ang pelikula,” ang natawang sagot niya.

Yun pala, may cameo role sila ni Martin sa movie.

Happy si Pops na si AiAi ang bida ng first produced film niya na bukod sa comedy raw ang tema, marami na raw kasi silang pinagsamahang dalawa at subok na raw niya ang tandem nila as artist and producer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s