Eddie, ‘in deep sleep’ at kritikal pa ang kalagayan dahil sa severe cervical fracture

NI:  Rohn Romulo

NAGLABAS agad ng statement ang GMA Network last Sunday na nire-review na nila ang video na kumalat sa social media na kung saan natalisod at nag-collapse ang veteran actor na si Eddie Garcia habang nagti-taping ng bagong kanyang action series.

Narito ang full statement ng network:

“The video of Mr Eddie Garcia faltering in his steps & eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took, before we make any conclusions on what really transpired.

The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson.

We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition.

Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery.”

eddie-garcia2

Samantala, noong araw na naaksidente si Manoy Eddie, may lumabas na nagkaroon ito ng severe heart attack, base sa pinalabas na statement ng pamilya ng aktor.

Bumuhos naman sa showbiz world ang mga mensahe ng pagdarasal sa mabilisang paggaling ni Manoy, na ngayon ay ‘in deep sleep’ at kritikal pa ang kalagayan dahil sa severe cervical fracture na tinamo niya.

Sa naging pahayag ni Bibeth Orteza na isa sa malapit na kaibigan ng pamilya Garcia sa Unang Balita ng GMA, “Noong dinalaw ko siya kahapon, he was still in deep sleep and nilalagyan siya ng traction para mabawasan ‘yung pressure. He was in deep sleep kahapon so hindi siya nakakausap.”

Lumabas din na hindi atake sa puso ang dahilan kaya nag-collapse si Manoy Eddie.

“Nakita na hindi nagka-heart attack. Ni-rule out ‘yung heart attack, ni-rule out ‘yung aneurysm, ni-rule out ‘yung heatstroke,” tugon pa ng writer-director na si Bibeth.

Hiling ng mga nagmamahal kay Eddie na ipagpatuloy ang pagdarasal para malampasan ang matinding pagsubok at mabilis ngang maka-recover ang beteranong aktor.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s