Biglaang paghihiwalay nina Derek at Joanne, marami talaga ang na-shock; Andrea, may haka-hakang dahilan

NI: Rose Garcia

SHOCKING sa karamihan ang biglaang rebelasyon ng longtime couple na sina Derek Ramsay at Joanne Villablanca.

Pareho naman nilang inamin na break na sila. Eh, shocking ito dahil kahit kami, inisip na namin na sila na talaga ang magkakatuluyan at kasal na lang ang kulang.

Every time na nakakausap namin si Derek, very positive ito sa relationship nila ng ngayo’y ex-girlfriend na.

What went wrong? Still, parehong tikom ang bibig ng dalawa at hindi na nag-elaborate pa. Katwiran nila, sa kanila na lang daw yun at ang break-up daw nila is the best for the both of them.

Kalilipat lang ni Derek sa GMA-7 at kapareha niya sa seryeng The Better Woman si Andrea Torres. Though alam naman, hindi pa naman ito for airing right away, pero without an effort, nakakakuha ng ingay ang first serye na ito ni Derek as Kapuso.

Derek-Ramsay-&-Andrea-Torres

Siyempre, lalo pa nga’t napaka-sexy ng tema ng The Better Woman at sobrang sexy pa ni Andrea na kung ‘di mo kilala sa totoong buhay, iisipin mong sobrang palaban, so, agad-agad, si Andrea ang pinaghihinalaan ng mga netizens na dahilan daw ba ng break-up ng dalawa?

Ang lakas daw kasi ng chemistry nina Derek at Andrea. Siyempre, ‘di positive ang dating kahit haka-haka pa lang naman ang source na baka si Andrea ang dahilan.

Ang dating kasi, nanulot ang Kapuso actress.

Well, kilala namin personally si Andrea at sa likod ng kaseksihan at pagiging daring niya, alam namin na maganda ang values na na-impart ng parents niya sa kanya.

Kung magkaka-debelopan in the future sina Derek at Andrea, yun siguro, wala ng magiging problema, ‘di ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s