Bayani, nilinaw na walang natanggap na bayad sa pagsama nila kay Pangulong Duterte

NI:  Ricky Calderon

IPINALIWANAG ni Bayani Agbayani sa presscon ng Feelennial (Feeling Millennial) na wala siyang natanggap na bayad sa pagsama nila kay Pangulong Duterte sa recent trip nito sa Japan.

Pero libre sila sa accommodation. Inimbita raw kasi sila ni Presidente Duterte at dahil suportado niya ang Pangulo ay tinanggap niya ang alok na sumama sa Japan.

Hindi raw niya alam ang deal ng ibang artistang kasama sa Japan. He is just speaking for himself.

Naging kontrobersiyal kasi ang naging pahayag ng isang starlet couple nang sabihin nila na they spent their own money sa pagpunta sa Japan.

Bayani Agbayani 3

Maging noong campaign period ay wala rin siyang natanggap na bayad sa pagsama niya sa grupo ni senator-elect Bong Go.

Ang mga kontrobersiya sa social media ang dahilan kung bakit siyang Facebook account, sabi ni Bayani. Meron siyang Instagram account pero ang administrator nito ay kanyang misis na si Lenlen.

Pero balak na rin niyang magbukas ng sarili niyang Facebook account to cope with the times.

Sa tagal nilang magkaibigan ni AiAi delas Alas, ngayon lang sila nagkasama sa movie.

“Decades old na ang friendship namin ni Ai Ai pero first time lang namin gumawa ng movie. Siguro kasi ito ang tamang panahon for this,” pahayag pa ni Bayani na nagpromise sa press na maganda ang pelikula nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s