“TFC Sama Saya” makikiisa sa mga selebrasyon sa Asia Pacific ngayong June

NI: Throy Catan

Puno ng saya at surpresa ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong buwan ng Hunyo dahil ang TFC ay makikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at mga Filipino Communities para dalhin ang “TFC Sama Saya Independence Day” celebration sa iba’t ibang bansa sa Asia Pacific.

Magsisimula ang mga selebrasyon sa Hong Kong at Singapore, na parehong magaganap sa June 9, Sunday.

Ipagdiriwang nila sa Hong Kong ang “Kapangyawan Festival 2019”na inorganisa ng Philippine Consulate sa Hong Kong, na gaganapin sa Chater Road, sa Central Hong Kong. Makikisaya doon ang TFC Sama Saya on Wheels, kung saan ang mga kukuha ng TFC Online subscription ay makakakuha ng pampering session: may free head massage ang mga kukuha ng Basic subscription; puwede naman mamili kung free make-up o haircut session ang gagawin ng mga kukuha ng Lite o Premium Subscription; at free make-up at haircut naman para sa mga kukuha ng 3-month Lite o Premium subscription.

Jason Dy and MC Calaquian

Gaganapin naman sa Singapore ang taunang walkathon event na “Bayanihan Walk” na inorganisa ng Philippine Bayanihan Society, na gaganapin sa Clarke Quay Fountain, Singapore. Makikita doon sa venue ang TFC Pop-up booth kung saan ang mga kukuha ng TFC Online Basic subscription ay may FREE TFC fan, at ang mga kukuha naman ng TFC Online Lite o Premium subscription ay mabibigyan ng FREE TFC Eco bag.

Back-to-back din ang selebrasyon ng Taiwan at South Korea sa darating na June 16.

Tripleng selebrasyon ang hatid ng MECO Taipei at Federation of FILCOM in Taiwan sa gaganaping 121st Philippine IndependenceMigrant Worker’s Day, at Friendship Fun Run sa Xingfu Shuiyang Park, sa Sanchong District, New Taipei City. Dadalhin ng TFC Pop-up booth sa selebrasyon ang “Summer is Love” vibe dahil ang mga kukuha ng TFC Online Basic subscription ay bibigyan ng FREE eco bag at maaaring magpa-picture sa TFC Summer is Love Instagram board, habang ang mga kukuha naman ng TFC Online Lite at Premium subscription ay maaaring makapagpa-picture sa TFC Summer is Love Instagram board at bibigyan ng pagkakataon na sumali sa aming games para makapag-uwi ng premium shirt.

Magkasamang saya at freebies naman ang hatid ng TFC sa South Korea sa gaganapin na “2019 FCC Philippine Independence Day & Cultural Celebration” sa Democracy Park, sa Busan, South Korea. Siguradong mapupuno ng saya ang araw ninyo dahil sa hatid na katatawanan ni Lassy Marquez sa TFC Hour sa ganap na 3:00 ng hapon, habang freebies naman ang hatid ng TFC Pop-up booth. Ang mga kukuha ng TFC Online Basic subscription ay bibigyan ng FREE eco bag at maaaring magpa-picture sa TFC Summer is Love Instagram board, habang ang mga kukuha naman ng TFC Online Lite at Premium subscription ay maaaring makapagpa-picture sa TFC Summer is Love Instagram board at bibigyan ng pagkakataon na sumali sa aming games para makapag-uwi ng premium shirt.

Lassy Marquez (2)

Sigurado namang isang magandang araw ang naghihintay sa mga Pilipino sa Thailand sa June 23 dahil dadalhin ng “Umagang Kay Ganda” at TFC doon ang “Araw na Kay Ganda” event, na gaganapin sa Bangkok, Thailand. Live na makikisaya doon ang ilang “Umagang Kay Ganda” hosts, may mga performances mula sa mga surprise guests, at gaganapin ang search for “Nanay Kong Kay Ganda”. Ang event ay FREE sa lahat ng TFC Online subscribers.

Ang huling destinasyon naman ng “TFC Sama Saya” ay sa Malaysia sa gaganapin na “Fiesta sa Embahada 2019”, na mangyayrai sa June 30 sa Craft Complex-Kraftanganan sa Kuala Lumpur. Makikisaya sa selebrasyon ay sina MC Calaquian at Jason Dy, na makikipag-meet and greet pa sa first 100 na kukuha ng TFC Online subscription sa TFC Pop-up booth.

Huwag na magpahuli sa kasiyahan at makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo.

Para sa karagdagang impormasyon at updates tungkol sa upcoming events ng TFC, bisitahin ang mytfc.com. Maaari rin bisitahin at i-like ang TFC official pages na angkop sa inyong lugar. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas, i-follow ang @KapmilyaTFC at @KapmailyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s