Pinoy Film Project Napili Para sa Switzerland Film Co-Production Program

NI:  Rohn Romulo

KASAMA ang pangalawang feature project na Some Nights I Feel Like Walking ng film director na si Petersen Vargas sa Open Doors Hub program ng Locarno Film Festival ngayong taon sa Switzerland.

Ang Open Doors Hub Program ay itinatag 17 na taon na ang nakakalipas, at ito ang industry sidebar ng Locarno Film Festival. Ang mga napiling director at producer na sasali sa programang into ay ime-mentor at magkakaroon ng pagkakataong makipag-network sa potential international distributors at partners. Ngayong taon, walong (8) promising projects mula sa Southeast Asia ang lalahok sa programa para sa international collaborations.

Petersen Vargas’ Some Nights I Feel Like Walking (2)

Ipinagmamalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang film agency ng Pilipinas, ang pagbigay ng karangalan nina Vargas at ng kanyang team sa bansa.

“We are focused on encouraging our Philippine filmmakers and talents to go international now more than ever, and Locarno’s Open Doors Hub gives our filmmakers and their projects the platform to make this goal happen. We are very proud of Petersen, and we wish them all the best in looking for potential international collaborators during the program to realize his project into film.” , sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

Nanalo ng best picture ang coming-of-age debut feature na “2 Cool 2 Be 4gotten” ni Vargas sa Cinema One Originals Film Festival 2016. Kasama naman ang “Some Nights I Feel Like Walking” sa limang (5) projects na napili para sa pangatlong edition ng Southeast Asia Fiction (SEAFIC) Film Lab, isang intensive script development lab para sa Southeast Asian filmmakers. Si Vargas ang unang Filipino participant ng nasabing Lab.

petersen-film

Co-produced nina Jade Castro at Alemberg Ang ang “Some Nights I Feel Like Walking.” Sa kasalukuyan, nasa pre-production stage ang film project.

Sa Director‘s Note, sinabi ni Vargas, “My second film aims at being a portrait of a nation (and of a city, homeland, people) as seen through its outskirts and shadows. To walk Manila by night is a revelatory peek into Filipino youth on the fringes of society.

Ang Open Doors Hub ng Locarno Film Festival ay gaganapin mula Agosto 7 hanggang 13, 2019, habang ang 72nd Locarno Film Festival naman ay mangyayari mula Agosto 7 hanggang 17, 2019.

Ito ang isa sa mga pinakamatanda’t pinakaprestihiyosong film festivals sa buong mundo na nagtatampok ng arthouse films.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s