MIGUEL, naging ‘unforgettable’ nang bumiyahe na mag-isa sa Cambodia

NI:  Ruel Mendoza

SA mga hindi nakakaalam ay mas gusto pala ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang bumiyahe sa ibang bansa na mag-isa lang.

Adventurous daw kasi itong si Miguel at mas marami raw siyang mae-explore kung mag-isa lang siya kesa sa may kasama siya.

Inamin ng aktor na medyo takot siya sa kanyang gustong gawin, pero part daw iyon ng magiging experience niya.

“Gusto ko ng gano’ng klaseng adventure, lalo na sa isang kunsaan wala akong kakilala at walang nakakakilala sa akin.

“Exciting na nakakatakot at the same time kasi hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari sa iyo.

“Pero yun ang nagpapa-interesting ng trip mo kasi bini-break mo ‘yung comfort zone mo.

“Kailangan ma-experience din natin paminsan-minsan yung pagiging independent natin,” diin pa ni Miguel.

Unforgettable kay Miguel ‘yung bumiyahe siya ng mag-isa sa bansang Cambodia. Nag-stay siya sa isang hostel at kasama niya roon ay mga kapwa travelers niya.

“Hindi naman nila alam na artista ako kasi galing sila sa iba’t ibang bansa. Nakakatuwa na may mga nakikilala ka na galing pa sa malalayong bansa. Yung pareho ang hilig ninyo sa adventure at traveling.

“Okey naman kasi nao-open up ka rin sa culture nila. Nase-share mo rin kung saan ka galing,” ngiti ni Miguel.

Maeksperimento rin daw si Miguel at gusto niyang ma-capture iyon para sa kanyang YouTube channel.

“Siguro ang pinaka-exciting na nagawa ko sa isang trip ay yung kumain ako ng tarantula!

“Takot ako sa mga ganyan pero ginawa ko for the thrill and experience,” natatawang pagtapos pa ni Miguel na isa sa bida ng horror film na Banal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s