Arjo, ‘di inasahang mananalo kaya nakipag-date na lang kay Maine sa Singapore

NI:  Rohn Romulo

NAKAHIHINAYANG na hindi personal na natanggap ni Arjo Atayde ang kanyang Best Supporting Actor award para sa napakahusay niyang pagganap sa BuyBust.

Pumunta kasi si Arjo sa Singapore kasama ang girlfriend na si Maine Mendoza noong Linggo ng umaga, kaya hindi siya nakapunta PMPC 35th Star Awards for Movies.

Marahil ay hindi talaga inaasahan ni Arjo na mananalo siya sa Star Awards, pawang magagaling na aktor ang kalaban niya sa naturang category.

arjo-star

Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat sa bumubuo ng PMPC na napansin ang sampung minutong exposure ni Arjo bilang ang drug lord na si Biggie Chen na tumatak talaga sa mga nakapanood ng BuyBust.

Malaki rin ang pasasalamat din niya kay Erik Matti, Dondon Monteverde at sa Reality Entertainment sa pagbibigay sa kanyang ng ‘sick ass character’.

Samantala, kitang-kita naman ang super enjoy sina Arjo at Maine sa kanilang date sa Universal Studios, Singapore na noong una ay puro solo pix pa lang lumabas kaya may mga bashers na naman na ayaw maniwalang magkasama ang lovers.

Pero dahil marami naman ang nakakakilala sa kanila, may mga Pinoy ang nakakita kina Arjo at Maine na nakapagpa-picture pa. Kaya sila na mismo ang nag-post sa social media accounts nila na nilabas ng ArMaine supporters sa facebook.

Pero kahit may mga hindi pa naniniwala sa relasyon ng dalawa, marami naman ang natutuwa kina Arjo at Maine, lalo na sa pagiging simple nang pumasyal sa Universal Studios, kahit na may natanggap pa rin sila nang panglalait, na malamang mga bashers pa rin at bitter.

Nag-fly in, fly out lang sina Arjo at Maine noong Linggo at madaling araw naman ng Lunes na sila dumating.

Kaya nag-report naman si Maine sa Eat Bulaga! na kitang-kita sa aura siya ang sobrang kaligayahan, samantalang si Arjo at diretso na agad sa taping ng The General’s Daughter.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s