SANDARA, marunong lumingon sa pinanggalingan kahit isa nang idol sa Korea; Nay Lolit, ‘di akalaing mae-experience ang Korean birthday

NI: Rose Garcia

SAMPUNG taon na ang girl group na 2NE1 bukod sa apat na taon din halos naging trainee si Sandara Park sa South Korea bago nag-debut.

So imagine, ilang taon na simula nang mag-join siya sa Star Circle Quest at bansagang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas?

Pero hanggang ngayon, napakarami pa rin niyang tagahanga sa Pilipinas pa lang ha. Mamahalin mo naman talaga ang isang Sandara Park.

Kahit sobrang busy ni Sandara nang magpunta kami ng South Korea, gumawa pa rin ito ng paraan na ma-meet ang grupo namin.

sandara & aileen

Siyempre, malaking bagay na kasama namin si Ms. Aileen Choi-Go na alam ni Sandara na love na love rin siya lalo na kapag nasa Pilipinas siya at ang para na niyang nanay-nanayan na si Elena dela Vega na ever since, close na kay Sandara.

Gusto na raw umiyak ni Nay Lolit Solis dahil birthday month nga niya at alam ni Sandara, may dala itong birthday cake at kinantahan si Nay Lolit ng dalawang version ng Happy Birthday song, isang english at isang hangul version.

Eh, sa pagka-k-drama fan ni Nay Lolit, ‘di raw niya akalaing mae-experience niya ang Korean birthday.

Nasa Korea rin si Joross Gamboa at ang mag-iina niya. Very close rin si Sandara kay Joross ever since Star Circle days nila. Kaya gumawa rin ng paraan si Sandara na ma-meet si Joross and his family na inaanak pa ni Sandara ang bunsong anak.

Sinabi ni Nay Lolit kay Sandara kung bakit niya love ito, dahil love na love raw kasi ni Sandara na pure Korean ang Pilipinas.

Sey ni Sandara, “Siyempre naman, doon ako nagsimula.”

O, ‘di ba, kakatuwa kung paano ito lumingon sa pinanggalingan kahit na ang layo na ng narating bilang isa sa mga idols sa Korea.

lolit & sandara

Palagi pa rin bumabalik-balik sa Pinas si Sandara. Last March lang ay kasama nito ang mga kaibigan sa Boracay at basta may libreng oras, nakaka-segueway talaga ng uwi sa bansa.

Okay rin naman daw sa agency niya rito na YG Entertainment kapag may offer sa kanya sa Pilipinas tulad sa Penshoppe kunsaan, siya pa rin ang endorser.

Pero teleserye, malabo raw talaga dahil mahabang panahon ang makakain. Eh, napaka-visible pa naman niya ngayon sa Korea since may variety show siya at madalas din mag-guest sa iba’t-ibang shows at naiimbitahan sa mga fashion shows abroad.

Dalawa ang variety shows niya ngayon, ang Video Star at Stage K kunsaan, judge at advisor si Sandara.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s