ETHEL BOOBA, pinaghalo ang pagpapatawa habang inookray si JIMMY sa social media

NI:  Ruel Mendoza

PINAGHALO ni Ethel Booba ang pagpapatawa habang inookray niya si Jimmy Bondoc sa social media.

May sariling YouTube channel na si Ethel at doon niya ipo-post ang ilang mga okray niya sa mga taong gumagawa ng issue.

Kilala si Ethel sa diretsang mang-okray sa kahit sino, mapa-artista o politician, basta maparating lang niya sa marami ang gusto niyang sabihin.

Sa pamamagitan ng Twitter, pinasaringan niya si Jimmy tungkol sa mga rant nito laban sa ABS-CBN 2.

Heto ang ilang okray ni Ethel kay Bondoc:

“Channel 2. Kaya yung excited dyan na ipasarado ang channel namin eh isarado nya bibig nya. Charot!”

“Chusera sya! Parte siya ng gobyerno sunod excited siya na magsarado ang ABS-CBN kung saan madaming magiging unemployed. As if may mabibigay siyang trabaho sa libo libong manggagawa doon. Charot!”

Natuwa naman ang netizens na follower ni Ethel sa Twitter dahil sa nakakaaliw na pang-ookray nito kay Jimmy.

“Dito tayo sa comedy ang sinasabe pero punung puno ng laman at katotohanan at wag don sa pagpapasikat lang ang alam. Go @IamEthylGabison”

“Nagsorry na daw kay Angel while with Mocha. Baka napagsabihan nung isa kung paano sya kinaladkad sa palabas dati. Aguruy! Charot!”

“True. Palusot nalang nya yung second statement nya eh nasupalpal na kasi”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s