NI: Ricky Calderon
MAKATALONG panalo kaya bilang Best Actress si Nadine Lustre?
After winning back-to-back sa Young Critics Circle at sa FAMAS, susubukin muli kung tuloy ang swerte ng girlfriend ni James Reid sa paglaban nito sa Movie Actress of the Year category ng PMPC Star Awards na gaganapin bukas sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.
So far ay nasa winning streak ang dalaga. An award is a big boost sa career ng isang artista. Validation ito na one did an excellent job and deserves to be recognized.
Muli kayang ngingiti si Nadine bukas sa gabi ng parangal ng Star Awards? O sa ibang aktres mapupunta ang award?