ADAM LEVINE, ginulat ang mga kasamahan sa ‘The Voice’ dahil sa biglang pamamaalam

NI:  Ruel J. Mendoza

AFTER 16 seasons ay nagpaalam na ang Maroon 5 frontman na si Adam Levine bilang coach sa The Voice.

Sa kanyang Instagram ay ginulat niya ang kanyang mga kasamahan sa The Voice dahil sa biglang pamamaalam niya.

“I am truly honored to have been a part of something I’ll always cherish for the rest of my life. To all of the loyal voice fans, there’s literally no show without you guys. For me, it was time to move on. Your support has meant EVERYTHING,” post pa ni Levine.

Balitang si Gwen Stefani ang papalit sa kanyang puwesto para sa season 17 ng The Voice.

Ayon sa isang report, nagkaroon ng backstage drama sa The Voice noong nakaraang May 12. Ramdam daw ng production ang frustration ni Adam dahil nitong season 16, walang nakapasok sa team niya para lumaban sa finals.

Adam-Levine-And-Gwen-Stefani

Naging problema na raw si Adam during the taping of the show na siyang hindi kinagusto ng executive ng NBC.

Ayon kay Paul Telegdy, co-chairman of entertainment of NBC, hindi niya nagustuhan ang naging attitude ni Adam at nahiya raw ito sa kanilang advertisers dahil ang mga ito ang nagbabayad ng salary niya sa show.

Sa report ng Page Six, na-upset daw si Adam sa pagbago ng rules sa The Voice na naging dahilan kung bakit nawala ang team niya sa labanan.

In regards sa kanyang IG post, ayon sa NBC, desisyon daw iyon ni Adam to not be part of The Voice in its next season.

Pero hindi naman daw mawawala sa TV si Adam dahil magiging part siya ng bagong reality talent show na Songland. Para naman daw sa mga songwriters ang show na ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s