MAX, pinagbabawalan ni PANCHO na panoorin ang serye kasama si SANYA

NI: Nora V. Calderon

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Max Collins sa dalawang acting nominations na natanggap niya, para sa mga ginawa niyang movies last year, ang Rainbow Sunset at Citizen’s Jake. 

Nakausap namin si Max sa set ng Bihag na kasama niya sina Jason Abalos, Sophie Albert at Mark Herras.

“Sobrang saya ng feelings at much appreciated ang mga natanggap kong nominations na parang feeling ko, everybody deserved the award than me.  Un-expected surprise po iyon sa akin,” nakangiting sabi ni Max.

Binati rin si Max dahil sa pagtaas ng rating ng kanilang drama series.

MAX JASON SOPHIE 2

Hindi ba sila napapagod ni Sophie sa mga catfights nila sa mga eksena?

“Nakakatuwa nga po na sinusubaybayan ng mga netizens ang aming show.  Iyong mga ganoong eksena po yata ang gusto nila.  Salamat po, pero team effort kami talaga tuwing may taping kami.       “Totoo namang nagkakaroon kami ng mga pasa, galos, dugo, pero hindi po namin pwedeng dayain ang eksena. Bago kami nagti-take, pinag-uusapan muna naming mabuti ni Sophie ang gagawin.  Game po kami pareho.”

Biniro naman si Max kung nanonood siya ng teleserye ng husband niyang si Pancho Magno, na kasunod nila, ang Dahil sa Pag-ibig?    Ayaw daw ni Pancho na manood siya ng serye nila ni Sanya Lopez.  Pero good boy daw ang husband niya.

Ang Bihag ay napapanood everyday after ng Dragon Lady.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s