DAVE, puring-puri ng direktor dahil nakasabay kay SYLVIA na very supportive

NI:  Ricky Calderon

PURING-PURI ni Direk Neal Tan ang baguhang GMA actor na si Dave Bornea, na isa sa artista niya sa OFW The Movie.

Hindi raw niya akalain na mahusay na actor si Dave. Nagawa kasi nitong makasabay sa mahusay na acting na ipinamalas nui Sylvia Sanchez who plays Dave’s mom sa pelikula.

“I didn’t know na first movie pala niya ito pero to be fair kay Dave, nagawa niyang maitawid ang mga eksena niya with Sylvia. Nakasabay siya,” pahayag ni Direk Neal.

Sa parte naman ni Dave, winika nito na very supportive si Sylvia sa kanilang mga eksena. Kung sakali man na lumabas na mahusay ang acting niya, gusto niyang pasalamatan si Sylvia dahil inalalayan siya nito at sinuportahan.

ofw the movie

Nakatakdang magkaroon ng premiere night ang OFW The Movie sa SM Megamall Cinema June 8.

Kasama rin sa movie sina Christian Vasquez, Rafael Rosell, Dianne Medina, Kakai Bautista at Uno Santiago.

Ang pelikula ay prinodyus ng Active Media Events Production in partnership with Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ito ay isang advocacy film na ang layon ay magsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan na may mga kamag-anak na OFW.

Inspiring at positive ang mga kwentong inilalahad sa OFW The Movie.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s