GMA, wala pa ring official announcement sa makakasama ni Dingdong sa ‘Descendants of the Sun’

NI: Rose Garcia

WALA pa rin official announcement ang GMA-7 kung sino nga ba talaga ang mga kumpirmadong kasama pa ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun.

Pero kahit wala pang official confirmation, napakatunog na ng tatlong pangalan ng Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith at Rocco Nacino.

Sina Dingdong at Rocco ang magiging close buddy on and off their soldier’s life. Eh, nakita naming nag-post sa kanyang Instagram account si Rocco na magkasama sila ni Dingdong na nag-i-scooter.

rocco nacino (2)

Sa parte ni Dingdong, matagal na nitong hobby ang pagmo-motor, so ‘di kami sigurado kung naimpluwensiyahan nito si Rocco.

Naisip namin na maganda na nagkaka-bonding din sila na parang preparation na rin sa mga characters nila. At kung magiging faithful talaga sa orihinal na kuwento nito, may mga eksena talaga ang dalawa sa D.O.T.S. na nagmo-motor sila.

Obviously, ayaw pang maglabas ng kumpirmadong mga detalye tungkol sa Pinoy adaptation ng Korean series na ito since mga last quarter pa raw ito ng taon, pero from what we heard, nagpa-audition ang GMA para sa ibang cast at yung iba, nagti-training na raw, lalo na yung mga sundalo ang role.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s