ALDEN, plano at pangarap na makapag-aral sa Harvard University

NI: Rose Garcia

BIGTIME na talagang negosyante ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Last month lang nang magkaroon ng grand opening ang sarili niyang branch ng McDonald’s sa Biñan, Laguna. At noong May 28, nagre-opening naman ang pag-aaring Concha’s Garden Restaurant sa Silang, Cavite.

Ipina-renovate ito ni Alden at ng kanyang business partner. Nabanggit na niya dati pa na open na sila for franchising at parang ang Concha’s Silang, Cavite ang magiging parang showroom o susundan ng mga magpa-franchise.

Bigtime na rin talaga si Alden as a businessman na sa sariling franchise pa lang ng McDo ay ‘di na biro. Tapos ang Concha’s pa niya ay ilang branch na. Alam namin, may bago pa silang branch sa Tagaytay Highlands.

alden-richards

At heto na nga, dahil talagang bigtime naman na ang pagiging businessman niya, plano raw ni Alden ang mag-aral pa at eventually, ang pinaka-pangarap nito ay makapag-aral sa Harvard University.

Sa pagkakakilala namin kay Alden, kapag plinano at pinangarap nito, talagang ginagawa.

Nakikita namin kay Alden ang klase ng mga young serious businessman na tila hindi nagsasawa sa pag-build ng career kumpara sa ibang mga binata na lovelife naman ang priority.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s