JIMMY, nag-sorry na kay ANGEL dahil aminadong na-offend at walang laban sa kasikatan ng aktres

NI:  Ruel Mendoza

NAG-SORRY na ang singer na si Jimmy Bondoc kay Angel Locsin.

Sa pamamagitan ng interview ni Mocha Uson kay Bondoc, pinaabot nito ang kanyang apology sa aktres na nakasagutan niya sa social media.

Nag-ugat ang hidwaan ni Jimmy at Angel dahil sa post ni Bondoc sa Facebook tungkol sa isang giant TV network na malapit na raw magsara.

Hindi lang si Angel ang nag-react dito kundi ang iba pang Kapamilya stars. Nakatanggap din ng bashing si Bondoc mula sa ilang netizens.

Sa interview kay Bondoc, nag-sorry ito kay Angel dahil alam niyang na-offend niya ito.

“Una sa lahat, buong-buo po ang respeto ko sa inyo bilang babae, bilang kapwa entertainer. Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan… Diyan po nagmumula ang maraming problema ng bayan natin… Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha yung buong side ko.

“So, ang message ko lang is, kung ano man yung personal na nasaktan sa kanya dun sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po.

“Sana, sagutin din nila yung totoong point ng post, which is bakit meron tayong ganitong sistema ng kapangyarihan sa media na kahit ano yata pwede na nilang sabihin.

“Kahit sinong sagasaan, kahit sinong mawalan ng trabaho, hindi ko po maintindihan yun.

“Ma’am, yun lang po yung point ko ma’am. Wag na kayong magalit sa akin ma’am.

“Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban! Ako po’y hamak na government employee,” pagtatapos pa ni Jimmy Bondoc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s