Julia, maraming nagulat sa bilang pagpu-post, tahimik pa rin kung nagbuntis at nanganak na

NI: Rose Garcia

ANG huling post pa ni Julia Montes sa kanyang Instagram account ay noong March 11, ilang araw bago sumabog ang balita na diumano’y nanganak daw ito sa anak kay Coco Martin.

Ang huling post na yun ay bilang pag-alala niya sa kaibigang si Chokoleit na namayapa. Pero parang kasabay ng pagkamatay ni Chokoleit ay ang IG account din niya na hindi na niya ini-update.

Siyempre, napakaraming nag-aabang ng updates niya. Bukod sa napakaraming nagtatanong, nanganak na nga ba siya? Nanay na nga ba siya ng baby raw nila ni Coco?

Mahigit dalawang buwan ay dedma siya sa kanyang IG account. Not until ang isyu ng ABS-CBN at ni Jimmy Bondoc kasabay ng ika-65th anniversary ng network.

Katulad ng ibang Kapamilya, nag-post din si Julia ng logo ng 65th anniversary ng ABS-CBN at poster ng Mara Clara nila ni Kathryn Bernardo.

Nakasaad sa caption ng post niya, “Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasaya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo… Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo nyo ang mga pangarap… Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konti pong kakayagan kong binigay ng Diyos…. Salamat pong muli Kapamilya.”

Ang daming nagulat sa biglang pagpu-post ni Julia. While meron pa rin nagtatanong kung may baby na nga ito at bakit daw ayaw magsalita, mas marami ang nagpahatid ng kanilang pagka-miss sa Kapamilya actress.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s