Final episode ng ‘The Big Bang Theory’, wagi sa ratings at tinalo ang #TheFinalEpisode ng ‘Game of Thrones’

NI:  Ruel Mendoza

SA nagdaang week kunsaan nagtapos sa ere ang ilang US shows, nag-top sa ratings ang final episode ng The Big Bang Theory.

Ang tinaguriang number one American comedy show ay nakakuha ng 18.5 million live viewers sa naging back-to-back two episode finale nila noong nakaraang May 16.

Ito ang episodes kunsaan nanalo ng Nobel Prize ang mag-asawang Sheldon Cooper (Jim Parsons) at Amy Farrah Fowler (Mayim Bialik), magkakaroon na ng baby sina Penny (Kaley Cuoco) at Leonard (Johnny Galecki), pinakita na ang anak nila Howard (Simon Helberg) at Bernadatte (Melissa Raunch) na sina Haley and Michael, naayos na ang elevator sa apartment at naging date ni Raj (Kunal Nayyar) ang bida ng Buffy The Vampire Slayer na si Sarah Michelle Gellar.

game-of-thrones-final-season8

Pumangalawa lang ang #TheFinalEpisode ng HBO epic series na Game of Thrones na nagtapos noong May 19. Nakakuha ito ng 13.61 million live viewers.

Pumangatlo sa ratings game ang spinoff ng TBBT na Young Sheldon na nakakuha ng 13.6 million live viewers sa season 2 ender nila kunsaan pinakita sa final shot ang mga batang Leonard, Penny, Amy, Sheldon, Bernadette, Raj and Howard.

Pang-apat naman ang CBS special na Unraveling the Mystery: A Big Bang Farewell with 11.6 million live viewers.

Pumasok naman sa Top 5 ang finale ng American Idol season 17 kunsaan nanalo si Laine Hardy. Nakakuha ito ng 8.7 million live viewers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s