SOLENN at NICO, anytime ay ready nang magka-baby

NI: Rose Garcia

NATUWA si Solenn Heusaff na Love You Two ang bago niyang serye sa GMA-7 dahil enjoy at gusto niyang ginagawa ang mga romcom o comedy sa telebisyon, while sa movies naman, okay siya sa mga drama o seryoso ang tema.

Kaya happy si Solenn dahil kasama na siya ngayon sa top-rating romcom serye ng GMA-7 na Love You Two bilang si Lianne at magkakaroon ng kaugnayan kay Gabby Concepcion.

Si Solenn na rin ang nag-incorporate ng look niya sa serye na may pagka-boho (bohemian) kaya nang kausap namin ‘to, may nose ring.

Nabasa naman namin ang post ni Solenn sa Instagram account na 3rd year wedding anniversary pala nila ng Mister na si Nico Bolzico, pero totoong ni hindi niya ito naalala.

solenn-loveu2

Katwiran niya, “Nag-post ako ng photos with Nico noong umaga, for the sake of kasi, nakita ko na four days ago yung post ko sa Instagram.

“Maraming naglagay na happy anniv, ha? Anong sabi ng mga tao? Picture lang ng photos, happy anniv agad. Hindi pa ko nag-react, tapos, nung gabi, nag-text sa akin yung friend ko na nagpunta sa wedding ko sa France. Kaya, oh my god, day of my wedding pala!”

Natatawa ito dahil hindi raw talaga siya nagse-celebrate at kahit birthday. Even si Nico raw, hindi rin nito naalalang wedding anniversary nila nang tawagan niya.

Pero sabi ni Solenn, “Mabait siya, joker siya pero hindi romantic.”

Wala raw silang paki sa mga ganung date kaya siguro talagang nagki-click sila. Bago ikasal, 6 years na rin kasing living-in together ang dalawa.

But just the same, sina Nico at Solenn pa rin ang masasabing coolest couple in social media.

Sey nga niya, “It’s not fun to be serious. Parang we’re just friends talaga.”

At kung dati, talagang siya raw ang tumatanggi pa na magka-baby na sila, now that they have their own house at 34 na rin siya, anytime raw ay ready na rin siya na magkaroon sila ng anak ng mister niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s