RYZA, nakatatanggap na naman death threats sa galit ng mga manonood

NI: Rose Garcia

KUNG dati, bukod sa galit ng mga manonood ay death threats ang natatanggap niya bilang si Georgia sa huling serye niya as Kapuso na Ika-6 na Utos, ngayon naulit na naman ito bilang si Jessie sa The General’s Daughter.

Hindi na napigilan ni Ryza Cenon na mag-react sa mga negative comments sa kanya.

Galit na galit sa kanya ang ilang netizens talaga. Ilan sa mga tweets kay Ryza, “Hoy Ryza umalis ka na sa general’s daughter. Puta ka babae ka sarap mo pakainin ng tae babae ka.”

Kaya sa facebook account niya, napa-react na si Ryza sa pagsasabing, “Ito na naman tayo guys. Easy!!! Kalma ka lang.”

ryza cenon1 (2)

Sey pa niya, “Last time na makatanggap ako nito dahil kay georgia. Ngayon ito ulit kay jessie naman. Nice!!!”

May mga tweet na nakikiusap naman sa director ng TGD na patayin na raw si Ryza. Na baka tumaas daw ang dugo niya dahil kay Jessy at mauna pa raw siyang mamatay sa galit dito.

Sabi naman ni Ryza, “Wag ganun. Nagtatrabaho lang ako. Kapag pinatay character ko nganga na ko nyan.”

Marami naman ang nag-comment sa mga ni-repost ni Ryza, isa na rito ang co-star niya rin sa TGD na si Eula Valdes na isa lang daw ang ibig sabihin, kaya halos isumpa na siya ng mga ito ay dahil effective niyang nagagawa ang role niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s