Jerome, aminadong conservative at seloso kaya bawal magpa-sexy ang girlfriend na si Mika

NI: Rose Garcia

AMINADO ang Kapamilya star na si Jerome Ponce na conservative boyfriend siya sa girlfriend, ang Volleyball player na si Mika Reyes.

Bawal kay Jerome ang “pekpek shorts” o yung mga shorts na halos kita na ang singit. Puwede naman daw magsuot ng mga sexy clothes ang girlfriend, provided na kasama siya.

“Siyempre, lalaki ako. Alam ko naman kung paano mag-isip ang kapwa lalaki. At ako, kung single ako, alam ko rin naman kung paano kami mag-usap-usap ng mga tropa ko.

“Gusto ko lang talaga na respectable ang dating.”

jerome-mika

Kaya kung gusto raw nitong magsuot ng sexy, sasamahan daw niya talaga.

Eh, si Mika, kumusta namang girlfriend sa kanya?

“Okay siya, wala ka ng hahanapin,” ang bonggang sagot nito.

Inamin din ni Jerome na mas seloso siya. To think na sa kanilang dalawa, bilang isang artista, mas maraming puwedeng pagselosan ang girlfriend sa kanya.

Paano siya magselos?

“Wala, magtatanong lang ako. Tapos, sasabihan ko agad na parang hindi ako kumportable. Kapag nagselos ako, babantayan ko, pupuntahan ko, parang ganun.”

So, nagseselos siya sa mga kasamahan din nitong athlete?

“Oo naman,” pag-amin niya.

“Halos ang popogi ng mga kasamahan niya sa athletic world at ang popogi, ‘di ba? Ako naman, ano ang ipagmamalaki ko? Wala naman akong ipagmamalaki,” pa-humble niyang sagot.

JANE ROME (1)

Sila naman ni Jane Oineza ang magkapareha ngayon sa Finding You na ipalalabas na sa May 29. Masaya raw si Jane na nagkasama silang muli dahil ayon dito, dati raw, “nilalamon” siya ni Jane sa aktingan.

“Nilalamon niya ko, inaamin ko, yung dating trabaho namin, hindi ako yung standard ko pagdating sa trabaho, walang-walang talaga. Nilalamon niya ko bilang actress, wala akong kaalam-alam.”

Ang tinutukoy ni Jerome ay ang dating serye nila na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Hindi naman daw niya sinasabing this time, natapatan o nakaya na niyang sabayan sa aktingan si Jane, pero ngayon daw masasabi niyang kaya na niyang intindihin ang eksena, kaya na niyang mag-adjust.

Ang role nga ni Jerome sa movie ay merong “hyperthemesia.” Parang kabaligtaran ng amnesia na lahat ng mga nangyayari sa buhay niya ay naaalala niya.

Kung sa totoong buhay, puwedeng sabihin ni Jerome na Finding You na sa girlriend na si Mika, sa movie, on search pa siya of finding he’s the one.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s