Alden, balik-‘Eat Bulaga’ na pagkatapos na magpaka-jetsetter; fans wala nang dapat ipag-worry

NI: Rose Garcia

BALIK Eat Bulaga na sa kanyang daily noontime show ang Pambansang Bae na si Alden Richards pagkatapos nitong magpaka-jetsetter.

Sa Hong Kong nag-shooting si Alden ng Star Cinema movie niya na Hello Love Goodbye at sa New York naman ay ang naging successful na KPS7 Musikalye goes to Brooklyn.”

Since alam ng mga fan na ilang araw na nakabalik si Alden from New York, marami na ang nagtatanong kung kailan daw ito babalik ng Eat Bulaga o kung babalik pa raw ba.

Kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ngayong tag-init na wala na nga ang AlDub, hindi maiiwasang meron pa rin talagang umaasang mga fan with Alden and Maine Mendoza.

So, nandoon ang hope pa rin nila na sa EB, may mga segments na magkasama pa rin ang mga ito. May ilan kaming nabasa na siguro raw, ‘di na babalik ng EB si Alden at talagang magtutuloy-tuloy na lang sa iba niyang mga projects.

alden & friends

Mali ang nag-isip o nag-worry na hindi na mapapanood si Alden sa EB dahil kahapon ay nandoon na ito. Talagang nagpahinga muna raw ng ilang araw after manggaling sa New York kaya kahapon lang napanood.

Sa isang banda, very obvious na sobrang naging close talaga ang cast at staff ng Hello Love Goodbye. Nakita namin ang Instagram post ni Joross Gamboa at napa-throwback ito agad sa Hongkong days nila at miss na raw niya, sabay ipinost ang mga bts nila sa HK.

Hindi na kami magtataka na bago pa ang promo ng pelikula, ‘di malayong mag-get-together or magbonding muna ang mga ito kabilang si Direk Cathy Garcia, Maymay Entrata, Lovely Abella, Kakai Bautista at Kathryn Bernardo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s