Sue, never na ipagpapalit si Joao sa mga Korean stars; happy sa pagiging Korean Tourism Ambassador

NI:  Rohn Romulo

SOBRANG happy ni Sue Ramirez na patuloy ang pagiging Korean Tourism Ambassador niya for the Philippines since 2016.

“Magti-three years na po. Kaka-renew ko lang po, for a year, for 2019,” tugon ni Sue.

Paano nga ba siya napili na maging ambassador na tatlong taon din palang hinawakan ni Jessy Mendiola.

“Paano ba ako napili? I think po… ah kasi galing po ito kay ate Jessy Mendiola, and  nung natapos na po yung kanyang contract, they look for another, puwede pong maging Korean Tourism Ambassador so I’m very lucky to have been chosen,” sabi pa niya.

Ano ang mga duties ni Sue as Korean Ambassador?

“My duties po is kapag everytime na they have events, I have to be present, and I have to perform. And yung pinakamalaking responsibility I think na pinakamadaling gawin for me kasi ang mga Pilipino napakahilig na po natin talaga sa lahat ng klase ng Korean.

“K-pop, K drama, K beauty, K skin care, lahat-lahat ng Korean so sobrang dali ng work ko for Korean Tourism Organization dahil ang kailangan ko lang ay i-promote  ang  Tourism ng Korea which is already  loved by the Filipinos,” pagkukuwento ng isa sa bida ng Sunshine Family na produced ng Spring Films/FILM LINE Pictures Productions LTD.

Kahit walang suweldo si Sue bilang Ambassador pero ang bongga naman dahil libre lahat ng biyahe niya sa Korea, pati na rin ang food and accommodations and with allowance o per diem.

“Pero may kasama po kailangan na show. Like recently I went to Korea this year with Pia Wurtzbach for her travel show sa Metro channel, so iyon po yung scope.

“Ako yung nag-tour po sa kanya [Pia].”

Aminado si Sue na hindi pa siya fluent mag-Korean pero nakakabasa at nakakapagsulat raw siya ng Korean words.

May na-meet na rin siyang Korean star, si Shinwoo ng Blanc 7 na isang K-pop boy band, na kanyang leading man sa Sunshine Family na based sa award-winning 1992 Japanese film na Hit-an-Run Family.

Wish nama niyang ma-meet ang fave Korean star na si Kim Soo-hyun ng My Love From Another Star.

“Kakalabas lang niya ng army so baka ito na yung chance ko,” natatawa pang tugon niya.

Pero kahit ganun hindi raw niya ipagpapalit ang kanyang boyfriedn na si Joao Constancia ng BoybandPH.

cast of sunshine family

Samantala, halos isang buwan na palang nag-shoot sa South Korea (Seoul at Yangpyeong County) sina Sue na gumagnap bilang Shine Mapalad para sa pelikulang Sunshine Family na ipalalabas na sa June 5.

Kasama ni Sue sina Shamaine Buencamino (as Sonya Mapalad), Nonie Buencamino (as Don Mapalad) at Marco Masa (as Max Mapalad).

Hindi naman raw araw-araw silang nag-shoot.

“Nagbigay po sila ng mga proper na rest days para  makapagpahinga din po sina Tito Nonie at Tita Shamaine since sila talaga yung medyo bugbog dito sa project na ‘to.

“Very considerate po yung Korean production namin na strict sila sa  resting period na ibinigay po nila sa amin, they respect that.”

Ang Sunshine Family ay mula sa direksyon ni Kim Tai Sik, ang acclaimed director ng 2007 international film festival favorite na Driving with my Wife’s Lover.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s