PANOORIN: Jennelyn Gagajena, nag-perform sa Netizen’s Best Choice Awards

NI: Throy Catan

AS usual, pinahanga muli ni Jennelyn Gagajena ang mga manood sa katatapos lang na Netizen’s Best Choice Awards na ginanap sa Netizen’s Best Choice Awards nung Tuesday, Mayo 21.

Ang nasabing awards night ay taunang ginaganap para i-recognize ang mga kumpanyang nagpo-produce ng dekalidad na produkto at serbisyo. Kinikilala rin nila ang mga indibiduwal na nagpakita ng kakayahan para sa napili nilang industriya.

Unang kinanta ni Jennelyn ang kanyang rendition ng Ngayon at Kailanman na pinasikat ni Basil Valdez nung late 1970s. After nito, inawit din niya ang kantang Ikaw Lang ang Mamahalin ni Joey Albert.

Nagpapalakpakan at naghihiyawan ang audience sa taas ng boses ni Jennelyn. Mukhang hindi napapagod ang dalaga kahit na inabot niya ang pinakamataas ng tono ng kanta.

Naging 4-time winner ng Lola’s Playlist: Beat The Champion sa high-rated variety show na Eat Bulaga, three years ago. Naging grand winner siya sa Child Songbird International na ginanap pa sa Chiang Mai, Thailand, at tinalo ang 40 contestants mula sa iba’t ibang bansa.

Last Saturday, isa siya sa mga performer sa concert show na “Battle of the Voices“ na ginanap sa 33 Degree Bistro sa Scout Borromeo St., South Triangle, Quezon City.

Abangan ang mga susunod na events ni Jennelyn sa kanyang Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s