‘Bayou Boy’ na si Laine Hardy, nanalo sa 17th season ng ‘American Idol’

NI:  Ruel Mendoza

TINANGHAL na winner sa 17th season ng American Idol ang tinawag na “Bayou Boy” na si Laine Hardy.

Laine is 19-years old na taga-Livingston, Louisiana. Ito ang second time niya sumali ng AI at sinuwerte siya this year.

Noong 2017 ay nakapasok siya pero hindi siya pinalad na makasama sa Top 50.

 

laine hardy

Ngayon ay hindi makapaniwala si Laine dahil wala siyang balak mag-audition for this season, pero pinilit siya ng tatlong judges ng AI na sina Lionel Richie, Katy Perry and Luke Bryan.

Pumunta ng AI auditions si Laine para tugtugin ang gitara para sa kaibigan niyang nag-audition. Hindi siya nakilala nila Lionel, Katy at Luke dahil malaki ang na-improve niya physically.

Gusto nilang malaman kung nag-improve na ba ang performance niya kaya inoperan nilang mag-audition ito.

Hesitant si Laine na muling mag-audition at sinamahan lang daw nito ang kanyang kaibigan. Pero persistent ang mga judges na umawit siya on-the-spot.

AI 17 judges

Dahil malaki na ang potential niya to win, he was given a ‘Gold Ticket.’

“He got good,” sey ni Katy sa unplanned audition ni Laine.

Dagdag pa ni Katy sa sinabi niya kay Laine: “What’s your problem? Why don’t you want to come back? Take this ticket. You found your confidence!”

Nakalaban ni Laine sa Top 3 ay ang audience favourite na si Alejandro Aranda (who was 1st runner-up) and Madison Vandenburg (second runner-up).

Bilang winner ng American Idol, makakatanggap si Laine ng guaranteed recording contract with Hollywood Records and a cash prize of $250,000.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s