LORNA, malaki ang pasasalamat sa Beautederm at ganun din kay COCO

NI:  Rohn Romulo

SAKTONG-SAKTO naman ang pagkakakuha kay Grand Slam Queen Lorna Tolentino na walang kupas ang iconic beauty para maging newest endorser ng Beauterderm na magsi-celebrate ng 10th year sa taong ito.

Kaya sobrang happy ni Ms. Rhea Anicoche-Tan ang President and CEO ng Beautederm na nakuha nilang endorser si LT na isang kaibigan at matagal na palang loyal user ng produkto, kaya hindi ito mahihirapang mag-endorse ng bagong Beautederm Gold.

“I am honored and extremely happy now that I am finally part of the Beautederm family,” tugon ni LT.

“Ate LT is one of my dearest friends and I am very humbled to welcome her to the family,” sabi naman ni Ms. Rhea.

“She is a remarkable human being and her beauty is striking as ever. A lot of people, including myself, are huge fans of her body of work as an actress as well as her legendary beauty. Ate LT is definitely a major asset to Beautederm Corporation and we are elated to have her onboard.”

LT 1

At kung isang dekada na ang Beautederm na more than 60 na ang produkto, milestone year naman para kay Lorna ang 2019, dahil fifty years na siya sa showbiz industry, na nagsimula bilang isang child star noong 1969.

At ngayon ay napapanood ay gabi-gabi sa top-rating serye na FPJ’s Ang Probinsyano na kung saan nagsimula siya noong March 2019.

Kaya naman hindi lang sa Beautederm nagpapasalamat si LT pati na kay Coco Martin na nakaisip na ibigay sa kanya ang challenging role bilang Lily.

“I’m so happy na naisip ni Coco na isali ako sa ‘Ang Probinsyano’ na hindi mo mawaring karakter. Hindi mo maintindihan kung kanino ba siya pumapanig,” sabi ni Lorna.

Sabi pa ni LT, ibang kasiyahan talaga ang kanyang nararamdaman dahil sa sunod-sunod na projects na dumarating sa kanya.

“Siyempre maligaya ako. Kasi very interesting ang role. Bilang artista, lahat naman yata ‘yun ang gusto na magkaroon ka ng isang meaty na role,” pahayag pa ni Lorna na kapipirma pa lang ng kontrata kaya hanggang September pa siya sa naturang teleserye.

Anyway, this month may mga new products na ilo-launch ang Beautederm, tulad ng products for the kids, headache oil, feminine wash at beauty lip balm at marami pang iba.

For sure, marami pang pasabog at branches ang magbubukas nationwide in celebration nga sa 10th year ng Beautederm na kung saan kabubukas lang ng store sa Singapore.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s