Megan, itinangging kinasal na kay Mikael pero ito ang kanyang ‘forever’

NI:  Rohn Romulo

SA presscon ng Empire Exclusives, ang 7-month world class workshop series ng Empire Studios na matatagpuan sa Uptown Mall, Taguig City, nilinaw ni Megan Young ang tsikang na secretly-married na sila ni Mikael Diaz.

“No we’re not married,” tugon ng first Miss World ng bansa.

“You’ll just find out one day if we’re married. Ganoon na lang, alam n’yo naman kami, quiet lang kami.”

“If it happens, when I’ m married, then it happens. Definitely not this year, maybe in the next couple of years.”

empire exclusives

Pero kahit matatagalan pa ang kanilang kasal, siniguro naman ni Megan sila ni Mikael hanggang sa huli.

“We talk about it a lot, but as of now, it’s not in our plans yet,” sabi pa niya.

“You’ll never know, we’re very spontaneous.

“Mikael naman is my forever.”

Kung masusunod daw ang nanay niyang Mrs. Victoria Young na sinamahan ang anak sa naturang press launch, gusto na raw nito na magpakasal ang dalawa para magkaroon na siya ng apo.

“Gusto niya na magka-apo na. Sabi ko, huwag na muna,” sabi pa ni Megan na magmo-monitor sa mga worshoppers na mag-i-enroll na magsisimula na sa May 25 at natoka sa kanya ang “Personality Development and Public Speaking.”

Isi-share ni Megan ang kanyang mga nalalaman tungkol sa naturang topic, naniniwala rin siya na importante ang pagkakaroon ng self-confidence.

Ibabahagi rin niya ang kanyang pinagdaanang training sa international stage na nakatulong para mag-step out sa comfort zone at mag-transform sa kung ano siya ngayon.

megan young (2)

Ayon sa kanya ang personality development, “starts from knowing who you are and knowing what you want and being able to communicate that to other people.”

Ang second workshop ay sa June 7 ans 22, pangungunahan ito ng celebrity makeup artist na si Mickey See para sa “Makeup and Beauty” workshop na kung saan ituturo niya ang mga secrets of how to apply makeup for personal and professional use.

Naka-line up din ang mga mentors na sina acclaimed talk show personality na si Dr. Boy Abunda sa July 13 at fashion director Robby Carmona sa July 27.

Magtatagal ang workshop hanggang November 2019, kaya abangan na lang ang mga susunod pang mentors na magko-cover mula sa fashion, photography at music.

Available online ang tickets sa workshop series sa https://ticket2me.net/, o kaya naman ay maaaring bumili sa Empire Studios, na matatagpuan sa second floor, Uptown Mall, BGC.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s