Rayantha Leigh, nagdiwang ng kaarawan kasabay ang album launch ng kanyang self-titled album

NI: Throy Catan

MASAYANG nag-celebrate ng ika-15th birthday ang Ivory Music & Video recording artist na si Rayantha Leigh dahil kasabay ito ng launch ng kanyang self-titled album.

Todo bigay siya sa pagpe-perform habang kinakanta niya ang mga latest singles niya katulad ng “Laging Ikaw” na kinompos ni Kedy Sanchez.

Kasama rin niya sa performance sina Kikay Mikay habang kinakanta at sinasayaw ang kantang “Kill This Love” na pinasikat ng K-Pop girl group na BlackPink.

Isa sa mga latest na single niya ay ang Nahuhulog. Kasama rin sa album ang PangakoPag-ibig BaWag Ka Nang IiyakI Will Be There, and Tuksuhan.

Available ngayon sa mga music stores nationwide. Available na rin sa mga digital stores katulad ng iTunesSpotifyDeezer, and Amazon.

Teenager pa lang si Rayantha pero ang dami na niyang narating. Since 2017 ay marami na siyang nahakot na awards from here to abroad katulad ng Young International Artist award sa World Class Excellence Japan Award (2017), Outstanding Asia Teen Performer award sa World Class Young Achiever (Fukuoka, 2018), at New Female Recording Artist of the Year 2018 sa PMPC Star Awards.

Kaliwa’t kanan ang mga shows at concerts ni Rayantha. Isa siya sa host ng youth-oriented show na Bee Happy Go Lucky na mapapanood every Saturday, 4:30 PM sa IBC 13. Lilibot naman sa buong Pilipinas para sa P’Pop Mall Shows. Papuntang Hong Kong si Rayantha para sa kanyang international event na gaganapin sa June 16. Balik Japan naman siya para sa kanyang first international concert na gaganapin sa Disyembre 8.

Pero kung gusto niyo naman na makita si Rayantha this week, magtatanghal siya sa 33 Degree Bistro para sa show na “Battle of the Voices.” Makakasama niya rito sina Hugot King Kiel Alo, recording artist JR Estudillo, singer-composer Lester Paul, Voice Kids finalist Kyle Mallari, singer Nash Tillah, Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena, recording artist Rayantha Leigh, reigning Miss Universe International Faye Tangonan, actress Ara Altamira, and Tawag ng Tanghalan finalist Alliyah Candeliña.

Para sa dagdag na detalye tungkol kay Rayantha, bisitahin ang kanyang official Facebook page.

battle of the voices poster

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s