Toni, Paul at Alex, ginulat ang netizens nang makita sa pa-dinner ni Pres. Duterte dahil ‘di naman nakilalang supporters

NI: Rose Garcia

ANG dami naming nababasang reaction ng netizens sa naganap na dinner with celebrity supporters ni President Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Wala na halos hanash o reaction sa mga artistang umpisa pa lang, kilala na bilang taga-suporta ni PDigong tulad ng mag-asawang Liza Diño, Aiza Seguerra, Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Pero, iba sa mga tila ngayon lang naging known na supporter pala ni PDigong tulad ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga, gayundin ni Alex Gonzaga.

Nagulat ang netizens na nandoon sila sa dinner. Though personally, alam namin na Marcos loyalist sina Toni at Paul.

alex, toni & paul

Surely, nababasa na nila ngayon ang mga comments. Kilala sila in-terms of promoting morality. Both are practicing Christians too, pero bigla dahil sa paglantad nila na supporter ni PDigong, ginawang basis ito ng iba at sinabing contradicting ang stand o paniniwala nila.

Same goes with Gretchen Ho na kinuwestiyon talaga dahil kilala palang tumutuligsa sa government tapos ay makikita raw sa dinner.

Sa panahong ito, talagang bawat galaw ng mga celebrities, mabilis ang reaction ng netizens. At wala naman kaming nakikita as long as sa bawat action o desisyon ng mga artista ay alam nila itong panindigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s