Pinakakomprehensibong coverage ng Eleksyon 2019, hatid ng GMA News and Public Affairs

NI: Rohn Romulo

SA darating na Lunes (May 13), asahan ang most awarded at pinakapinagkakatiwalaang broadcast news organization sa bansa—GMA News and Public Affairs—sa paghahatid ng pinakakomprehsensibo at state-of-the art na pagbabalita ng Midterm Elections sa “Eleksyon 2019: The GMA News and Public Affairs Special Coverage”.

Mapapanuod ang nasabing election coverage simula 4:30 a.m. at magpapatuloy hanggang sa May 14 ng 10 am.

Pangungunahan nina GMA News pillars Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho ang nasabing Eleksyon 2019 coverage.  Kasama nila ang mga news anchor na sina Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Rhea Santos, Connie Sison, at Atom Araullo kaagapay ang mga mamamahayag at stringers sa loob at labas ng bansa pati na rin ang election coverage partners nito na maghahatid ng pinakamaiinit na balita ukol sa eleksyon.

Sama-sama nilang ihahatid ang pagbabalitang tatak-GMA News and Public Affairs na “Walang kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Walang kasinungalingan. Serbisyong totoo lamang.”

Ipakikita rin sa Eleksyon 2019 special coverage ang bagong 360-degree news set ng GMA kung saan bibida ang dalawang Barco video walls, LED floor, LED video wall, at siyam na LFD monitors. Mapapanuod din ang augmented reality executions na patungkol sa Eleksyon2019.  Matatandaang naglaan ang GMA Network ng P63 million para sa pagbili ng mga state-of-the-art equipment at technology upang pagandahin pang lalo ang paghahatid ng balita at impormasyon sa mga manunuod.

GMA News and Public Affairs' Eleksyon 2019

Bukod sa mga ito, tampok din sa Eleksyon 2019 ang pagsusuri ng ilang mga eksperto at resource person upang tulungan ang publikong mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng eleksyong ito sa mga isyung pambansa.

Makakaasa naman ang mga manonood na agad-agad na ihahatid ng Eleksyon 2019 special coverage ang partialat unofficial results para sa mga posisyon sa national at local elections sa oras na ma-transmit ang election returns.

Maaari namang tutukan ng netizens sa GMA News Online website na Eleksyon 2019(www.gmanews.tv/Eleksyon2019) ang live stream coverage ng GMA News and Public Affairs kabilang na ang up-to-the minute election results.

Bago ang araw ng eleksyon, naglabas din ang GMA News Online ng mga impormasyon at tool upang tulungan ang mga botante sa pagpili ng tamang kandidato.  Kasama sa mga ito ang MyKodigo app kung saan ay makakagawa na sila ng sample ballot na puwede nilang i-print sa short bond paper at dalhin sa kanilang precinct; at ang Stand on Issues app, kung saan makikita ng mga botante ang paninindigan ng senatorial candidates sa 11 key issues. May mga video rin ang GMA News and Public Affairs tulad ng profiles ng bawat senatorial candidate; video at reports mula sa Debate 2019; at demographic data sa mga botante. Lahat ng mga ito ay maaaring ma-access online.

Pinakakomprehensibong coverage ng Eleksyon 2019 hatid ng GMA

Sisimulan naman ng Super Radyo DZBB 594khz ang special coverage ng #Eleksyon2019 mula May 12 hanggang 14 habang mapakikinggan at mapapanood naman ito sa Dobol B sa News TV mula May 13 hanggang May 14.

Samantala, may komprehensibong coverage rin ang GMA Regional TV ng Eleksyon 2019 sa pamamagitan ng local newscasts nito na Balitang Amianan, One Western Visayas, One Mindanao, at Balitang Bisdak. Sa unang pagkakataon, may online coverage rin ang GMA RTV sa  official website nito na www.gmaregionaltv.com.

Ang online newscast naman na Stand For Truth ay ipadadala ang millennial, mobile journ reporters nito sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa mga Kapuso abroad, mapapanuod ang “Eleksyon 2019: The GMA News and Public Affairs Special Coverage” sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s