Nicco, Vera, Anna at Alex, walang nagpakabog sa kahusayan sa pag-arte; Graded ‘A’ ng CEB ang movie

NI:  Rohn Romulo

NAPANOOD na namin ang romantic drama na Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon na hatid ng TBA Studios, may gawa ng Goyo: Ang Batang Heneral at I’m Drunk, I Love You, at agree kami na binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board dahil maganda at matino ang pagkakagawa ni Direk Nestor Abrogena.

Iikot ang istorya ng Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon sa aspiring filmmaker na si Sam (Nicco Manalo) at writer na si Isa (Vera), na muling magkikita pagkatapos ng limang taon matapos silang magkahiwalay.

Pareho na silang masaya sa kani-kanilang partners, si Sam ay na-inlove sa kanyang maalagang co-teacher na si Anna (Anna Luna), at si Isa naman ay committed na kay Frank (Alex Medina), ang kanyang childhood friend na  willing i-give up ang lahat pa sa kanya.

Susubukan pa rin nina Sam at Isa na maging magkaibigan kahit happy na sa kanilang respective romantic partners.

Pero sa muli nilang pagkikita, na dapat sana’y magpapalapit pa, madi-discover nilang may mga sakit pa ang kanilang paghihiwalay at mabubunyag ang dahilan, na later on ay makaka-apekto sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Napakahusay ng pagkakaganap ng apat na bida na sina Nikko, Vera, Anna at Alex sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon,  na follow-up indie film favorite na Ang Kwento Nating Dalawa na ni mula rin kay Direk Abrogena na pinagbidahan din nina Nicco at Vera.

Nasagot na nga ang mga dasal ng mga sumubaybay sa kuwento nina Sam at Isa at mapapanood na nga ang next chapter sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon na pinalalabas na ngayon sa mga sinehan nationwide, na tiyak kaming marami ang makaka-relate, lalo ‘yun mga nagmahal at nasaktan.

Sa mga roles na nagampanan ni Nicco sa stage musicals and plays na Mula Sa Buwan at Ang Huling El Bimbo at sa huling pelikula na Gusto Kita With All My Hypothalamus, masasabi niyang ang pagganap bilang Sam ay isa sa favorite niya.

We use mostly ourselves when we portray our characters,” sabi ni Nicco.           That’s why the movie is so authentic.

We tried to do the movie earlier, but we didn’t do it because Nestor felt we weren’t ready. Hindi pa hinog. The four years between ‘Ang Kwento Nating Dalawa’ and ‘Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon’ really helped.

“Kita talaga sa screen kung paano kami binago ng panahon. Of all the characters that I played, dito talaga makikita si Nicco not just as an actor but also as a person. Kung ano yung learnings namin sa four years na lumipas, makikita yun sa pelikula. It really made Tayo and its theme of finding yourself after getting lost authentic and real.”

tayo-4

Ayon naman sa singer actress na si  Emmanuelle Vera, na makikilala na ngayon bilang Vera, I have high hopes that the movie will touch many people, that it will resonate with Filipinos. Because what we are doing is just the regular life of ordinary people who are flawed. There’s no huge plot twists. It is just regular lives. I feel like Filipinos should watch because they can identify with the film.”

Dagdag pa niya, I want people, after watching the movie, to reflect on their lives, their actions and how they affect the people around them. Hopefully, we’ll change a lot of people for the better.”

Kasama rin sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon sina Peewee OHara, Alvin Anson, Madeleine Nicolas, Emman Nimedez, at Bodjie Pascua.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s