Julie Anne, itinangging patama kay Benjamin ang bago niyang single na ‘Regret’

NI: Rose Garcia

LAKING gulat ni Julie Anne San Jose dahil akala niya, pictorial lang siya para sa gagawing bagong album sa Universal Records, napasigaw ito nang pagpasok sa room, nakaayos ito with Universal family at GMA Artist Center family.

Sa May 17 pa ang birthday ni Julie Anne, pero dahil lumipad na ito pa-New York noong Martes kasama ang ibang Kapuso para sa show nila na Studio 7 Musikalye goes to Brooklyn nagpauna na ang Universal na magbigay ng surprise party sa kanilang recording artist.

julie anne

Unang paandar raw sa birthday niya ang pa-surprise ng U.R. Pero sa actual birthday naman daw niya ay nakabalik na siya ng bansa.

“I still don’t know, I have no plans yet. But maybe, I’ll also celebrate there, in New York. Maybe, have time for myself, alone.”

Napansin namin na ang haba ng wish niya bago siya nag-blow ng cake.

“Ano po, siyempre, nag-thank you muna po ako. Important din po na mag-thank you sa lahat ng blessing na dumarating. Ang wish ko lang, just happiness lang po talaga, more happiness at maging healthy ako and my family.”

Natatawa ito nang tanungin namin kung masaya ba siya ngayon.

“Yes, happy, happy po,” sey niya.

benjamin-alves-3

May bagong single si Julie na ni-release, ang “Regret” na siya pa ang nagsulat.

Diretsahan na namin itong tinanong kung para ba sa ex-boyfriend na si Benjamin Alves ang kanta.

“Ay no, no, right now, I’m happy,”natawang sabi niya.

“Pero, may mga time naman talaga sa buhay natin na dumadaan tayo sa ganitong stage. Hindi naman okay na agad ang lahat. It takes time to figure things out on your own. It takes time to heal and right now, I’m happy.”

Hindi raw siya nag-e-entertain ng bagong manliligaw. Cliche man, pero totoong sarili muna at career ang focus niya.

“Gusto ko lang mag-focus sa sarili ko,” sey niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s