Jennylyn, tanggap na tanggap at maganda ang relasyon sa pamilya ni Dennis

NI: Rose Garcia

HALATANG tanggap na tanggap at maganda ang relasyon ni Jennylyn Mercado sa pamilya ng boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa May 12 pa ang actual birthday ni Dennis. Si Jennylyn naman ay sa May 15 pa pero mukhang nag-advance birthday celebration na ang pamilya ni Dennis, ang Ho family para sa kanilang dalawa.

Nakita namin na naka-tag si Jennylyn sa Facebook ng mga pictures nila ni Dennis habang hawak ang kanya-kanyang cake.

Ang nag-tag, ang mismong Daddy ni Dennis na si Mr. Abelardo Leslie Ho. May picture na kasama rin nila ang pamilya ni Dennis and the two Kapuso lovebird seems to be so happy, contented and in-love.

jennylyn-dennis

Last year rin, nag-celebrate rin ang pamilya ni Dennis ng birthday ng dalawa at sa Balesin Island Club pa nga ito.

Sabi rin naman ni Jennylyn nang kamustahin namin tungkol sa relationship nila sa kanya-kanyang pamilya, sinabi nitong okay silang lahat.

Tahimik lang si Jen sa ilang taong relasyon nila ni Dennis. Madalang itong mag-post na magkasama sila. Matipid din itong sumagot sa mga tanong ng press kapag tungkol kay Dennis na.

Pero, mukhang sa ganitong style nagwu-work ang relasyon ng dalawa. Yung nagagawa pa rin nilang pribado ito.

May reason si Jennylyn na mag-all smile ngayong birthday month niya. Aba, bukod sa masaya ang personal niyang buhay, bongga at nangunguna sa ratings ang primetime romcom serye niya na Love You Two sa GMA-7.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s