Isko, tiyak na aabangan kung kaya talagang talunin ang dating Presidente; may magandang programa sa mahihirap na mag-aaral at sa mga barangay

ni: Rohn Romulo

MAGANDA at makahulugan ang online campaign ad ni Isko Moreno, na first time na lalaban bilang mayor sa Maynila.

Nakakaaliw kasi ang lyrics ng rap song ng fliptop battle stars na sina Bassilyo at Smugglaz.

Ang nasabing four-minute online ad ay umabot na sa ilang libong shares, at nakatitiyak kaming magugustuhan ito ng mga mahihilig sa fliptop at meron din itong one minute version.

Sa pagsisimila ni Bassilyo: “Ako ay batang Maynila, anak ng Tondo. Namulat sa maingay at kakaibang mundo. Ganyan din ang lodi ko at lodi ng lahat. May tapat at prinsipyo at mayroong dignidad.”

Sagot ni Smugglaz: “Ang lodi ko naman ay sa lansangan lumaki, natutong mangalakal, nag-aaral sa gabi, nagtitinda ng diyaryo at padyak ng pedicab. Madiskarte, matalino, at may abilidad.”

Bassilyo: “Matatag ang lodi ko, malakas ang resistensiya, sipag niya’y nakakahawa ng enerhiya. Parang tatay niya, makisig na istibador. Mas aasenso ang bayan ‘pag bata ang Mayor.”

Smugglaz: “Naging vice mayor nang tatlong termino, ‘yan ang lodi ko, subok na sa serbisyo! Nag-aalay ng trabaho mapa-white o blue collar job, nagpapa-aral, marami siyang ISKO-lar.”

isko-moreno1

Bassilyo: “Kami’y parehas  na mahirap at parehas nag-sumikap, parehas kung lumaban sa minimithing pangarap, pangarap para sa lahat ng mga kababayan. Parehas na lumilingon sa pinanggalingan. Lodi ko sobrang guwapo na, artista pa, ‘di puro porma, ang lakas pa ng karisma niya.”

Smugglaz: “Lodi ko hindi lang artista, suwabe pa mag-salita, pero ‘di puro dada, mas marami ang gawa.”

Bassilyo: “Hindi siya bida-bida, ‘di siya nagmamagaling. Hindi mahirap kausap at hindi rin nagmamalalim.”

Smugglaz: “’Di rin tulad ng iba, puwede mo siyang sandalan. ‘Di siya matutumba kahit marami siyang alam.”

Bassilyo: “Lodi ko, batang Maynila, as in bata talaga. Pero bago ang sarili, tao ang mahalaga.”

Smugglaz: “Lodi ko mapag-bigay, laging nagpaparaya, pero hindi niya ibibigay kapag Maynila ang nakataya.

Bassilyo: “Sa serbisyo niya inilaan ang kanyang abilidad. ‘Di siya gumagawa ng kuwento para sa pablisidad.”

Smugglaz: “’Pag umaksyon agad-agad, pagtulong sagad-sagad, pangarap para sa lahat at nasa puso niya si God.”

Tanong pa ni Bassilyo sa kabatuhang rapper…

“Teka lang, sino ba ‘yang idol mo?”

“Si Isko Moreno,” sagot ni Smugglaz.

“Si Isko Moreno? Eh, pareho lang pala tayo!”

Bigla namang lalabas ni Isko at naki-rap na rin, “Kung ako sa inyo ‘wag na kayong magtalo.  Lahat ng sinabi niyo’y tama’t totoo.

“Magtulungan na tayo, magkaisa na tayo.  Tuloy ang asenso ng Manileno.”

Sabi pa kay Isko, simulan na may linaw ang bagong umaga, bagong dugo at bagong pag-asa.

Ayon sa isa sa mga consultants ni Isko, hindi na sila naglabas ng ad sa TV dahil sobrang mahal, bukod pa sa local position lang naman ang tinatakbuhan ni Isko.

Maganda ang programa ni Isko para sa lahat ng mag-aaral, may binanggit din siyang pakontes sa palinisan sa mga barangay na mabibigyan ng isang milyong piso ang mananalo.

Ang lahat ng mag-aaral na mahihirap ay may allowance na P1,000 kada buwan, dahil naranasan ni Isko na pumapasok sa eskuwelahan na kumakalam ang sikmura, ano nga naman ang matutuhan nila?

isko-honey

Kahit paano ay may budget na sila sa pagkain ng P250 a week o P50 sa bawat araw sa tuwing sila’y papasok sa paaralan.

Tiyak na pagtutuunan din ni Isko pag nahalal siyang Mayor ng Maynila ang malaking problema sa basura at droga.

Malaki na raw ang lamang niya sa survey sa mga kalaban niyang senior citizen na sa serbisyo-publiko.

Si Isko na Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ay dating vice mayor at naging under secretary ng Department of Social Welfare and Development.  At tumatakbo sa Asenso Manileño political party.

Pangalawa na lang daw si incumbent Mayor Joseph Estrada ng Pwersa ng Masang Pilipino.

At nasa pangatlong puwesto si former senator at independent candidate Alfredo Lim.

Malakas din ang laban ni incumbent Vice Mayor Honey Lacuña-Pangan, na running mate ni Isko na malayong-malayo sa kanyang katunggali.

Malalaman na nga sa Lunes, Mayo 13, kung tatalunin ba ni Isko ang dating Pangulo Estrada na mahigpit niyang kalaban.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s