Councilor Hero, napakarami pang plano para sa District 4 ng QC; nasimulan ni Mayor Herbert sa movie industry, tuloy-tuloy lang

NI:  Rohn Romulo

KAHIT nasa bakasyon pa ang outgoing Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista, ipinagpatuloy ng kanyang kapatid na sina Hero at Harlene Bautista ang nasimulan niyang yearly birthday lunch para sa member of entertainment writers, para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Pinasaya at binigyan na naman ng pagpapahalaga ng magkapatid na Hero at Harlene ang entertainment press na sa simula pa lang ng kanilang karera sa showbiz hanggang sa pasukin na ng mundo ng pulitika ay kasa-kasama na nila.

At sa Eleksyon ngayong Mayo 13, 2019, muli na namang susubok ang incumbent Councilor ng District 4 ng QC na si Hero, at umaasa siyang muling iboboto ng mga nasasakupan para ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulang proyekto.

hero b

Sa pagkukuwento ni Councilor Hero, apat ang pagtutuunan ng pansin pag muli siyang nahalal at ito ay Health, Education, Reform at Order na base rin sa kanyang first name.

Meron siyang health caravan, namimigay din siya ng ‘BMW’ sa mahihirap na ang ibig sabihin ay ‘bago mong wheelchair.’

May mga scholarship programs na siyang nasimulan at nasa 250 students na ang nakinabang.  Na-approve na rin ordinance niya na maglalagay ang local government ng P100 million para sa mga special courses na sinumulan ng TESDA.

Gusto rin niya bigyan ang mga senior citizens ng basic computer learnings na ilalagay sa mga barangay.

Yun reform naman ay para sa mga bago niyang pinasa na gagawin na pakikinabangan ng District 4.  Plano rin nilang magpalagay ng marami pang CCTV sa barangay, para lalo pang ma-monitor ang lahat ng mga nangyayari at bilang proteksyon na rin sa masasamang loob.

Harlene Hero Bautista

Approved na rin ang kanyang I.B.I.S. o Integrated Biometric ID System para sa QC, na kung saan pag-iisahin na ang mga government IDs na puwede nang gamitin sa lahat ng transactions gamit lang ng isang ID.

May plano rin silang lagyan ng pailaw ang mga small houses na nasa squatter’s area sa pamamagitan ng solar panels, medyo matatagalan pa ito, pero pinag-aaralan na nila.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagpo-produce nila sa pamamagitan ng Heaven’s Best na kung saan ang huli nilang film offering na Rainbow’s Sunset at patuloy pa ring umaani ng tagumpay.

Itutuloy pa rin nilang magkakapatid ang mga nasimulan nilang film festivals tulad ng QCinema International Film Festival at QC International Pink Film Festival na taun-taon ay inaabangan ang magagandang movie entries.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s